(500)
Posted: September 26, 2011 Filed under: Movies | Tags: 500 Days of Summer 6 Comments »Kakanuod ko lang ng 500 Days of Summer sa Star Movies ngayon ngayon lang. Naniniwala pa rin ako na ito dapat ang sinabi ni Tom sa eksena na to. Imposibleng ako lang ang nakaisip nito! Imposible! Naiintindihan mo? Imposible!
The Heartbreak Kids
Posted: September 25, 2011 Filed under: Sports | Tags: Asi Taulava, Basketball, Olsen Racela, Smart Gilas 10 Comments »Kung napanuod mo yung laban kanina o narinig mo ang balita, natalo ng South Korea sa score na 68-70 ang Smart Gilas sa bronze medal match ng FIBA Asia Tournament. Mula 1st hanggang 4th quarter, lamang ang Pilipinas at halos sigurado na ang panalo. Pero unti-unting nakahabol ang South Korea dahil sa 3 points at dahil nagmimintis ang free throws ng national team sa dulo. Nakakalungkot para sa nakararami. Pero para sa mangilan-ngilan na nakakaalala pa ng 2002 Basketball Semifinals ng Asian Games sa Busan tulad ko, masyadong masakit ang mga pangyayari dahil minumulto tayo ng mga kabiguan ng nakalipas.
Sa mga hindi pamilyar at may tiyagang panuorin ang malabong video at para naman sa mga nakapanuod na at handang balikan ang mahapding nakaraan, eto siya:
(Pasensya na sa quality ng video, but this is the best the internet has to offer)
Kung tamad ka at hindi mo pinanuod, bibigyan kita ng blow by blow account:
With 3:17 remaining, lamang ang Korea over the Philippines with a score of 63-60.
Hindi ko sure kung pinakita sa video or counted yung tira ni Kenneth Duremdes pero nakascore ang Pilipinas to make the score 63-62, Korea.
Hindi na pinakita ng video yung possession ng Korea and the next thing we see, possession ng Pilipinas and Asi Taulava is fouled. Sabi ng announcer na si Andy Jao, “At this point Sev, pati ako ninenerbyos. ” With the chance to take the lead, he misses both free throws. “Kulang sa tuhod” yung tira sabi ni Andy Jao. Pagod? Kabado? Hindi natin alam. (Pero it’s worth noting na this was Asi Taulava during the peak of his powers. Ngayon pag pinanuod mo si Asi Taulava halos ayaw na tumira e)
Korea grabs possession of the rebound, runs down the court, hits the 3. 66-62, Korea.
Possession ng Pilipinas, Olsen Racela on the top of the key, cut si Dondon Hontiveros sa baseline going towards the corner. Racela whips the ball to Hontiveros, Hontiveros wide open jumper. “BAWI!” sabi ni Andy Jao. 66-65, Korea.
Possession ng Korea, a player obviously travels but the ref doesn’t call it. Korea gets bailed out with a foul call. Inbounds pass, Korea slashes inside but it’s no good. Philippines grabs the rebound and sets up the play. Dumps it on the low post to Asi. Asi spins, gets double-teamed, kicks it out to an open Olsen Racela on the top of the key. Olsen drains the 3 pointer! Korea calls a time out. With 51.2 seconds remaining, Philippines now up 68-66.
(At this point, sumisigaw na ko sa harapan ng TV at nangangako sa mga diyos ng basketball na ang ipapangalan ko sa anak ko ay Olsen Racela kahit maging babae pa siya. Wala akong paki. Bayani si Olsen Racela para sakin sa mga oras na yun)
Play resumes, Korea with the ball. They bring it down the court and try for a 3. Mintis! They grab the rebound and resets the play. May sumubok ng jumper sa may elbow, mintis ulit! Guess who grabs the rebound? The smallest guy on the court! Olsen Freakin’ Racela. He runs down the court and gets hammered. Camera shows him lying down on the court but with that defiant look that says, “Putangina niyo, nakita niyo ba yun?! Ang galing ko diba?!”
(Nung pinapanuod ko to inisip ko, wala na. Ilagay na tong si Olsen Racela sa likod ng pera natin. Kahit palitan na si Jose Rizal sa isang piso, papayag na ko. Ibang klase)
It was without a doubt the greatest moment of Olsen Racela’s career. But it would be short-lived. Apparently, the basketball gods had something else in store for him. He goes to the line to shoot his free throws. First one is too strong. Second one, in and out! 70-66 sana kung napasok niya yung dalawang free throws. During that time, Olsen Racela was a 94% free throw shooter in the PBA. Kung hindi ba naman malas yan, ewan ko na lang.
(Kung tinatamad kang panuorin yung buong video, at least panuorin mo yung 6:35-6:55, where they show the Filipino players on the bench, all full grown men, arms-linked, shaking and praying. For some reason tumatak sakin yang image na yan)
Korea grabs the rebound, with 23 seconds to go Korea comes down the court for a final attempt at a basket. They need a 3 to win and a 2 to tie. Philippines playing defense as if their lives depended on it and Korea can’t get a shot off. With a desperation attempt, Korea drives towards the basket but loses the ball! A Filipino and a Korean player scrambles for the ball, the Korean player gets to it first, throws it away to the open man on the top of the key. He sets up for a shot, and two Filipino players run towards him to try and block the shot. He pump fakes, the defenders jump, and with a clear shot he swishes the 3 to win the game 69-68.
Olsen Racela, the hero from a few seconds ago, slumps to the floor in tears.
Andy Jao sums it up best when he said, “Ang sakit, Sev. Ang sakit.”
Naalala ko nasa harapan ako ng TV nun, nakanganga, in a state of shock. Hindi ko na napigilan, hindi ko na napansin, may mga luha na na pumapatak sa pisngi ko.
South Korea beats China in the finals to win the gold medal. A deflated Philippine team lost to Kazakhstan, a team that it has already beaten earlier in the tournament, in the battle for 3rd place. Sinasabi ng iba na since eventual champion ang South Korea at muntik na natin silang matalo, pwede sana tayong nanalo ng gold nun. Pero may Yao Ming ang China nun at hindi ko nakikitang mababantayan ni Asi Taulava si Yao Ming so duda ako. Pero still, natalo nga ng South Korea e. You never know.
Masakit balikan at pag usapan. Pero parang babaeng brineakan ka, I always talk about this to anyone who will listen. I have been a Lakers fan and a Kobe Bryant fan all my life. But this, by far, goes down as the most painful moment of my life as a sports fan. Walang makakapantay. Hinding hindi ko makakalimutan yang game na yan. Yung mga break-ups ko sa mga naging girlfriend ko naka move-on na ko pero dito hindi pa rin. Ganun katindi. Pag napag-uusapan namin yan ng mga kaibigan ko, masakit pa rin. Parang kahapon lang nangyari. Akala ko nga nakalimutan ko na.
Pero dahil sa game kanina laban sa South Korea, nabuksan ulit ang mga sugat.
Magaling ang Pilipinas sa basketball. Wag kayong maniniwala sa sinasabi ng iba na masyado tayong maliit, na hindi para sa atin ang basketball. Hindi totoo yun. Kahit natalo ang Smart Gilas, hindi biro ang pinakita nilang galing sa FIBA Asia Tournament. Hindi birong talunin ang mga teams na tinalo nila. Bago sila natalo ng Jordan (na tinalo na natin) at South Korea (na muntik na nating matalo), China lang ang tumalo sa kanila. Nung dumating dito sila Kobe Bryant, Kevin Durant, Derrick Rose, Chris Paul, at iba pang NBA all-stars para sa exhibition game, muntikan pang manalo ang Smart Gilas sa game na yun. Oo, hindi sineryoso ng kalaban yung game. Oo, hindi na naglaro sila Kobe Bryant nung dying seconds. Pero going up against the greatest players in the world and actually being competitive? That has to count for something. As the video clip above suggests, hindi lang tayo ngayon naging competitive. Maski dati naman competitive tayo. Wala lang continuity yung basketball program. (With MVP at the helm, hopefully meron na) More importantly, minamalas tayo. Tulad ng game kanina, minalas tayo ulit. Pero maniwala kayo sakin, may araw rin tayo.
Wag lang natin makakalaban ang South Korea. May anting-anting ata yang mga yan e.
The Infamous Anti-Planking Act of 2011
Posted: September 20, 2011 Filed under: Only in the Philippines | Tags: Anti-Planking Act of 2011, Planking 4 Comments »Kung nakapag-internet ka nitong mga nakalipas na buwan, hinuhulaan kong narinig mo na tong tinatawag nilang “planking” kahit isang beses lang. (Kung ang reaction mo sa sinabi ko ay, “Huh? Planking? Ano yun?” siguro minesweeper at spider solitaire lang ang binubuksan mo pag gumagamit ka ng computer. Mahiya ka naman.) Anyway, sa hindi nakakaalam, ang planking ay isang kalokohang aktibidades kung saan dadapa ang isang tao sa kung saan at magpapakuha ng litrato. Yun lang. In other words, para siyang “plank”. Ganun kasimple. Kadalasan, mas nagiging astig ang planking kung mas awkward ang setting o mas delikado ang setup. (Although debatable ang pagiging “astig” niya kase para sa iba mas lalo lang nag mumukhang tanga yung gumagawa pag mas delikado yung sitwasyon)
Saan nag simula ang planking? Tulad ng maraming misteryo ng mundo, hindi natin alam. Anong punto nito? Mas lalong hindi ko alam. For the most part hindi naman siya pinapansin na talaga. Iniisip lang natin na tulad ng elephant pants at Birkenstock na sinusuotan ng medyas, pagsasawaan rin natin to at marerealize natin na mukha tayong tanga sa ginagawa natin. (Sana balang araw masama rin natin sa listahang ito ang pagsusuot ng Crocs. May awa ang Diyos!)
But apparently, a certain Congressman named Winnie Castelo doesn’t think so. Nag panukala siya ng batas sa Kongreso na kung tawagin ay the Anti-Planking Act of 2011. Sa dami ng problema ng Pilipinas sa kahirapan, sa gera sa Mindanao, sa terorismo, sa edukasyon, sa korupsyon, sa love life ni PNoy, at sa kung ano ano pa, bakit nga naman hindi diba?
Nakakalungkot na maraming mas importanteng isyu sa bansa natin pero eto ang tinutuunan ng pansin ng mga mambabatas. Hindi mo alam kung ginagawa nilang biro tong tungkulin nila o talaga bang iba lang ang priorities nila kesa satin? Wala tayong magagawa, yan ang mga binoto natin e. We get the leaders we deserve.
Aaminin ko, medyo excited rin ako kahit papaano sa susunod na batas na maiisip ni Winnie Castelo e. Hindi ka ba naeexcite? Ipagbabawal niya kaya ang pag-utot sa public spaces? Ipagbabawal niya kaya ang pagbilog ng kulangot? Magiging mandatory ba ang pagsigaw ng “Darna!” pag papara ka sa jeep? Ang daming possibilities! Aabangan namin ang mga panukalang batas mo, Cong. Winnie Castelo!
Pero alam mo sa totoo lang, pagkatapos mag soul-searching, tingin ko naiintindihan ko na rin tong si Winnie Castelo kahit papaano e. Delikado nga naman ang planking. Iniisip lang naman niya ang kapakanan ng mga kabataan e. Para sakin walang masama dun. Walang masama dun, guys.
Buko Juice
Posted: September 7, 2011 Filed under: Random | Tags: Beijing, China, I <3 BJ 3 Comments »Alam naman nating lahat na ang New York ay kilala bilang NYC, ang Los Angeles ay kilala bilang LA, at ang Hong Kong ay kilala bilang HK. Pero alam niyo ba na ang Beijing ay kilala naman bilang BJ? Oo, maniwala ka man sa hindi, may henyong nakaisip na magandang idea na tawaging “BJ” ang Beijing. Mas nakakamangha rin dito, may henyong nakaisip na gumawa ng t-shirt kung saan nakasulat ang “I <3 BJ”.
Ayaw mong maniwala? Pinagdududahan mo ang kredibilidad ko?! Etong sayo!
Hindi ko malalaman tong nugget of wisdom na ito kung hindi dahil sa kaibigan kong nakatira ngayon sa Beijing. Tinanong ko siya kung meron siyang t-shirt na ganito dahil bilang babae siya, matatawa ako ng sobra sobra kung meron siya. Sabi niya wala daw pero inalok niya kong uwian nito bilang pasalubong. Dahil dito, dumating ako sa importanteng punto ng buhay ko at tinanong ko sa sarili ko ang isang mahiwagang tanong na sa palagay ko ay dapat itinatanong ng bawat lalake sa kanilang mga sarili kahit isang beses sa buhay nila.
“Gusto ko ba ng t-shirt na may nakalagay na I <3 BJ?”
On the one hand, libre naman so bakit hindi. Katuwaan lang naman. At malay naman nila kung mahal ko talaga ang Beijing. On the other hand, medyo (medyo lang naman) suggestive siya at malamang hindi ko masusuot to maski sa loob ng sarili kong bahay. Paano ko naman susuotin yan diba? Naiimagine ko na sarili kong kaharap ang mga magulang ng girlfriend ko. Babati ng “Good evening po, tita,” habang nakasuot ng t-shirt na may malaking “I <3 BJ” sa dibdib. O kaya naman ay habang nagmimisa sa simbahan, titingin sa katabi kong manang para mag “peace be with you” at babatiin siya ng malaking “I <3 BJ”. O kaya habang nasa CR ka at umiihi sa urinal at mapapatingin yung katabi mo sa napakalaking “I <3 BJ” sa dibdib mo at mapapakagat labi. O kaya habang nasa children’s party ng pamangkin mo at napapalibutan ng mga bata tapos may lalapit sayo at tatanungin ka, “Kuya, kuya, ano yung BJ?” Tapos sasabihin mo “Ah.. eh.. buko juice! Tama! Buko juice yun!” Tapos sasabihin niya, “Ay gusto ko rin yun kuya! Gusto ko rin ng BJ!” Tapos maya maya lang lahat ng bata sa party sumisigaw na ng “BJ! BJ! GUSTO KO NG BJ!”
Mali e! Maling mali talaga! Maraming rason para hindi magkaron ng t-shirt na “I <3 BJ”. But then again, libreng t-shirt pa rin naman to kaya sayang naman. Sabi nga ng lola ko wag ka daw tatanggi sa grasya.
Wag niyo na lang sana sabihin sa kanyang may t-shirt akong ganyan.
The 84 Year Old Virgin
Posted: August 24, 2011 Filed under: Random | Tags: Hugh Hefner, Isaac Newton, Physics, Science, Trivia 5 Comments »Ang kumpare kong si Sir Isaac Newton ang isa sa mga pinakadalubhasang nilalang sa kasaysayan ng mundo. Isa siyang haligi sa larangan ng agham at malayang pag-iisip kasama nila Albert Einsten, Galileo Galilei, at Paris Hilton. Sa katunayan, ang mga nasusulat niya tungkol sa laws of gravity and motion ang naging basehan ng maraming siyentipiko tulad nila Einstein sa sarili nilang mga teorya at pag-aaral. Ang sinulat niyang Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica ay tinuturing na isa sa mga pinakaimportanteng libro sa kasaysayan ng mga tao, pumapangalawa lamang sa Twilight series ni Stephenie Meyer.
Pero alam niyo ba na medyo may sayad tong si Isaac? Kung minsan daw ay nagigising ito mula sa pagkakahimbing at bago pa man din bumangon ay mapapaupo ito sa kama at hindi na makakatayo dahil kung ano ano na agad na mga ideya ang pumapasok sa utak niya na siya mismo ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Bago pa rin niya mamalayan, inabot na siya ng hapon at nakaupo lang siya sa kama habang nakikinig sa “Lazy Song” ni Bruno Mars.
Nung minsan naman naisipan niyang magpasok ng karayom sa gilid ng mata para lang makita kung anong mangyayari sa kanya. Trip lang kumbaga. Sinwerte naman siya at hindi siya nabulag. Tapos nung minsan naisipan niyang tumitig sa sikat ng araw hangga’t makakaya niya para lang malaman kung anong mangyayari sa kanya. Hindi naman siya nabulag pero kinailangan niyang mag kulong ng ilang araw sa madilim na kwarto bago siya napatawad ng mga mata niya na kung nakakapagsalita lang sana ay pinagmumumura na siya.
Lingid rin sa kaalaman ng karamihan pero nung estudyante palang si Isaac Newton, nabubugnot siya sa mga inaaral niya sa math kasi masyado daw madali at mga bobo daw tayong mga normal na nilalang so nag imbento siya ng sarili niyang mathematics na mas madaming letra kesa numero, at tinawag niya itong “calculus”. (Ngayon pag pinagpapawisan ka ng malamig sa exams at hindi malaman kung mauutot o matatae, alam mo na kung sinong sisisihin mo, si Isaac Newton!) Pero dahil nga weirdo siyang tao, tinago niya ito at hindi sinabi sa iba sa loob ng halos na 30 taon. Sa katunayan, ginawa daw niyang mahirap intindihin ang Principia para hindi siya gambalain ng kung sino sinong tukmol na ipaliwanag sa kanya ang mga nasulat niya. Absurdo kung absurdo.
Pero alam mo rin ba na at the age of 84, namatay si Isaac Newton na isang birhen? Siguro masasabi mo na that in itself ay hindi naman nakakagulat. Marami rin naman sigurong mga namamatay na birhen. Mga pari, mga madre, baka mismong ikaw na nagbabasa nito ay mamamatay na virgin. (Shit, foul yun pre. Sorry) Pero kahit papano mabibilib ka rin dahil hindi ganun kadali magkaron ng self-control para hindi hanapin yun for 84 years. Hindi ka man lang ba magiging curious kung anong pakiramdam nun? Kung curious ka enough para malaman kung anong pakiramdam ng matusok ng karayom sa mata, sasabihin mo ba sakin na hindi ka curious malaman ang pakiramdam ng makipagtalik?

Samantalang si Hugh Hefner, sa edad na 85, ay nagbibilang pa rin ng babae. Sana malaman ko isang araw na si Hugh Hefner pala ang nawawala kong lolo at ako ang taga pag mana niya. Wag ka nang kumontra okay? Libre ang mangarap!
Ang hindi ko maintindihan ay kung paano pa lumalabas sa history books na namatay si Isaac Newton na isang birhen. Sino bang sinabihan niya? Pinagkakalat niya bang virgin pa siya nung buhay pa siya? Nagpapatansya ba siya ng mga babaeng nakahubad nung mahulugan siya ng mansanas sa ulo? Ano bang dying words niya bago siya namatay, “HINDI PA KO PUWEDENG MAMATAY!!! HINDI PA KO NAKAKATIKIM NG LUTO NG DIYOS!!!”?
Or…
Pwede rin namang kaya virgin si Isaac Newton ay dahil hindi niya type ang girls… AAAAAYYYYY! Kung uso lang sana ang mga tabloids at blind items nung unang panahon!
Pero nakakatawang isipin na ito yung mga bagay na naaalala satin ng mga tao pag wala na tayo, kung sakaling maalala man nila tayo. Mapapaisip ka tuloy kung anong iisipin nila tungkol sayo kung wala ka na. Ako ang tanging hiling ko lang sa inyo ay hindi niyo ko maalala bilang yung taong mahilig gumamit ng salitang “brip” at gumawa ng blog entry tungkol sa mga “itlog” sa billboards. Yun lang siguro magiging maligaya na ko.
Usapang Brip
Posted: August 10, 2011 Filed under: Random, Sports | Tags: Azkals, Brip, Gary Lising, Neil Etheridge 8 Comments »Hindi pa man din tuluyang nabubura sa kaisipan ng tao ang kontrobersyal na billboard ng Philippine Volcanoes, may panibago nanamang advertisement kung saan makakakita ng mga nakabuyangyang na mga itlog na parang niluluto sa init ng araw. Ngayon naman, ang nasabing larawan ay kay Neil Etheridge ng Team Azkals. (Sa mga kalalakihan, kung hindi kayo kumportableng makakita ng bumabakat na yagbols liban dun sa nakikita niyo pag naka-brip lang kayo, puwede na kayong huminto sa pagbabasa ngayon pa lang)

Kung lalake ka at kaya mong tumingin sa larawan na yan ng mahigit sa 3 segundo ng hindi naiilang, tingin ko kailangan mo ng matinding soul-searching.
Wala ako sa pusisyon para sabihin kung ano ang malaswa o hindi, kaya hindi ko na gagawin yun. Pero ang hindi ko lang maintindihan sa mga advertisers ay kung bakit tuwing meron silang ads para sa brip, puro lalakeng macho ang ginagamit nila. Hindi ba nila alam na hindi effective yun? Iisa-isahin natin kung bakit ah.
1. Pag nakita ko to, hindi ko naman naiisip na “Uy, bukas na bukas rin bibili ako ng brip mula sa Folded & Hung! Baka sakaling bumakat rin ang itlog ko tulad ni Neil Etheridge!” Hindi ko naiisip yun! Ang naiisip ko lang ay “Anak ng tinapa, sabi ko na nga ba hindi talaga ko dapat nag eextra rice e!” tsaka “Shet kadiri, bakat na itlog!”
2. Nakakalimutan ata ng mga advertisers na mga lalake ang bumibili ng brip at hindi mga babae. So anong appeal sakin ng lalakeng nakahubad kung bibili ako ng brip? Edi wala! So sa totoo lang, kung maniniwala tayo na sex sells, buti pa ipasuot mo na lang yang brip na yan sa sexy na babae na umiinom ng beer at may hawak na basketball sa kabilang kamay. Kung hindi maging appealing sa mga lalake yan, ewan ko na lang talaga.
3. Nakalimutan ata ng mga advertisers na hindi lang naman mga bading ang binebentahan nila ng brip. Yung iba ngang bading iba naman ang sinusuot hindi naman brip. Isipin mong mabuti yang sinabi ko at sigurado akong tatango ka at sasang-ayon. Ayoko nang maglagay ng picture nun dito.
(Napansin mo siguro na kanina pa ko gumagamit ng salitang “brip” imbis na “briefs”. Talagang mas masaya lang sabihin ang salitang “brip” kesa sa “briefs”. O baka immature lang ako na bumubungisngis pag naririnig ko ang salitang brip. Hihihi. brip)
4. Hindi ko alam kung anong binebenta ng ad na to. Brip ba o betlog? (Brip. Hihihi) Kase kung brip ang binebenta nito, parang hindi ata magandang klase ng brip ang produktong to. Ang nipis e! Malamang pawisan ka lang lilitaw na kulay ng balat mo diyan e! E kung ganun lang din mag scotch tape ka na lang ng dalawang bond paper sa pwet at ari mo. Nakatipid ka pa!
5. Hindi ko lang sigurado, pero liban sa mga batang nasa elementary, ang alam ko wala nang nagsusuot ng puting brip ngayon. Bakit? Well first of all dahil nga magmumukha kang batang nasa elementary. Pangalawa, dahil mas madaling mag mantsa. (Bibigyan muna kita ng ilang segundo para isipin ang iba’t ibang paraan na pwede siyang mag mantsa. Enjoy.)
6. Sa populasyon ng Pilipinas, siguro 8% lang ang ganyan ang katawan. Hindi makaka-relate ang remaining 92% sa abs ni Neil Etheridge. Alam mo kung kanino sila mas makakarelate? Kay Gary Lising.
Bakit si Gary Lising? Unang una, hindi kagwapuhan. Pangalawa, malibog. Wala nang pangatlo! Yun na! Halos 65% na ng male population ang tinutukoy nyan e! Yung natitirang 27% either malibog lang o pangit lang. Ngayon isipin mo kung gagawa ka ng ad kung saan naka-puting brip lang si Gary Lising. (Pasensya na sa mga nanananghalian) Nakangisi siyang ganyan. Tapos nakapulupot sa kanya ang mahahabang binti ni Solenn Heussaff. Sabihin mo sakin, hindi ka ba bibili ng ganung brand ng brip? Bibili ka diba?! Anong sinasabi sayo ng advertisement na to? “Oo, hindi ako gwapo pero hindi na importante yun! Pag suot ko tong brip na to, kahit magandang babae magkukumahog!” O hindi ba napaka-empowering nun?
Kaya nananawagan ako sa Bench, Folded and Hung, Hanford, Hanes, Jonels, at kung ano ano pang mga kumpanyang nagtitinda ng brip. Tigilan na ang paglalagay ng mga machong lalake sa mga advertisement ng brip! Kunin niyo si Gary Lising bilang endorser! Hindi niyo na kailangang sabihin nanggaling sakin ang idea. Wag niyo na kong bayaran. Ang gusto ko lang ay gawin niyo to para sa taong bayan. We have suffered enough.
Typhoon Republic
Posted: August 2, 2011 Filed under: Only in the Philippines | Tags: Bagyo, Blakdyak, Cristy Fermin, Jabba the Hutt, Santino 3 Comments »Sa kasalukuyang sinusulat ang entry na ito, binabayo ng malakas na bagyo ang buong Metro Manila. Impassable na ang maraming mga kalye sa kalungsuran. Nag kansela na rin ng pasok hanggang sa pinakamataas na antas ng pag-aaral. Pero magtataka ka minsan kung bakit ang tagal mag anunsyo ng pag kakansela ng klase. Naghuhulaan ba sila kung hihinto ang ulan o hindi? Nag papatigasan ba ang pamunuan ng mga kolehiyo kung sinong unang mag kakansela? Tinatawagan ba nila ang isa’t isa para sabihing, “Ano?! Nag kansela ka na ng klase? Sus, ambon lang yan e! Malakas pa talsik ng laway ko diyan e! Wala ka pala e!” Kase sa totoo lang, hindi naman dapat inaabot ng tanghali ang pag kakansela ng klase e. Kung may bagyo at malakas ang ulan, malamang sa malamang hindi naman yan hihinto ng biglaan. Hindi ko rin alam kung bakit sila nagpapaka-bayani at ayaw nilang mag kansela ng klase, e malamang ayaw rin naman nilang pumasok sa trabaho pag ganito ang panahon.
Pero kung nasa kolehiyo ka at lagi kang nag rereklamo na hindi ka naman waterproof, hintayin mo pag nagtatrabaho ka na. Walang inaasahang DepEd o CHED ang mga nag oopisina. Pag hindi nag kansela ng pasok ang pinapasukan nila, wala silang magagawa kung hindi murahin lang silently ang mga nararapat murahin. Pero kung iisipin, hindi naman dapat ganun e. Ano bang ginagawa ng DOLE? Kung may otoridad ang CHED at DepEd na mag kansela para sa mga estudyante, dapat puwede ring gawin yan ng DOLE para sa mga nagtatrabaho! Hindi naman porke’t nagtatrabaho ka na e hindi ka na tinatablan ng ulan. Hindi ko maintindihan kung saan nag mumula tong double standard. Kung hindi ka waterproof nung estudyante ka pa lang, hindi ka naman magiging waterproof pag tanda mo. Siyempre hindi naman natin sinasabi na basta bumagyo, dapat mag kansela ng pasok sa trabaho. Pero pag mukhang kailangan mo na ng snorkeling gear para makauwi, ibang usapan na yun.
Sa isang taon, tinatayang nasa 19 na bagyo ang dadaan sa area of responsibility ng Pilipinas. Sa bilang na yan, kalahati diyan ang sinasabing tatama sa lupa. Sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, halos linggo linggo merong panibagong bagyo na bumibisita sa bansa. Minsan hindi pa nakakaalis ang isa, may padating nanaman na panibago. Sa tinagal-tagal na ganito ang nararanasan natin, masasabing nasanay na rin tayo. Dati pag narinig mong “super typhoon”, kakabahan ka na dahil sa dinami dami ng bagyo bihira ka namang tamaan ng ganun. Pero ngayon madalas mo nang maririnig yan kay Kuya Kim.

Kung tulad ko ay curious ka sa itsura ng bunbunan ni Kuya Kim, pwes eto na siya. Hindi pa rin masyadong kita. Hayup ka, Kuya Kim! Patingin ng bunbunan mo!
Kung totoo nga ang human evolution ni Darwin, tinatancha ko na sa dami ng bagyong at bahang dumadaan sa atin, hindi magtatagal e tutubuan na rin tayo ng mga palikpik at hasang at magiging mga syokoy na parang sa pelikulang Little Mermaid. Tancha ko pag nangyari yun, si Cristy Fermin ang magiging si Ursula at maghahari sa ating lahat.
While we’re at it, dagdagan na natin ang cast.
And for good measure,
Pwede diba! Kaya buti pa hanggang maaga pa, i-memorize mo na tong kantang to dahil balang araw ito ang magiging national anthem natin at kakantahin natin to ng sabay-sabay! Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sabay sabay nating awitin:
Ang saya saya diba!
Gubat sa Ciudad
Posted: July 31, 2011 Filed under: Relationships | Tags: Bentong 8 Comments »Sabi nila ang paghahanap daw ng karelasyon sa buhay ay para naring ang paghahanap ng predator sa kanyang prey. Kung totoo ito, kailangan lang nating tingnan ang estilo ng mga leon sa paghahanap ng kanilang mabibiktima.
Sa mga leon, hindi puwedeng laging ang pinakamabilis na gazelle ang hinahabol nila dahil mas mahirap habulin ang mga ito. Pag ginawa niya yun, mapapagod lang siya at gugutumin lang niya ang sarili niya. Posibleng hindi pa siya makakain. Samantalang kung mabagal man o mabilis ang mahuli niya, parehas lang naman ang kabusugang makukuha niya.
Sa pakikipagrelasyon, hindi rin dapat laging hinahabol ang pinakachicks o pinakagwapo dahil mahirap ring habulin yang mga yan. Sanay na silang hinahabol kaya ensayadong ensayado na sila. Papagurin mo lang ang sarili niyo, posibleng hindi mo naman talaga kayang habulin sa simula’t sapul. Wag mo nang hanapin yung perpektong babaeng may kutis ni Anne Curtis, boobs ni Angel Locsin, legs ni Solenn Heussaff, at kili-kili ni Marian Rivera. Hindi siya nag-eexist liban na lang sa mga panaginip mo. Kung nag eexist man siya, malamang hindi ka niya type. Wag maging masyadong mapili, posible rin namang maging maligaya sa piling ng iba.
Kung nanunuod ka ng National Geographic maski minsan sa buhay mo, siguro nakita mo na kung papaano umatake ang mga leon sa kanilang mga biktima. Kadalasang ginagawa nila ay sabay sabay silang umaatake sa kawawang zebra o wildebeest. Pagtutulungan nila ang mga ito at kadalasan isa lang ang lulusob para coup de grace. Sa mga tao, dito pumapasok ang konsepto ng tinatawag nating “wingman”. Ang wingman ang maaasahan mong kaibigan na tatawa sa lahat ng jokes mo at sasalo sa kasamang kaibigan ng babaeng chinichicks mo kahit ano pang itsura nito.

Ang tunay na wingman, pati ito hindi inaatrasan. "Test of friendship" ika-nga ng iba. Kung handang pumatol ang wingman mo sa babaeng ganito, utang na loob naman ilibre mo siya kahit Jollibee lang. Tunay na kaibigan yan.
Ang mga leon, hindi pupwedeng iba’t ibang gazelle ang hahabulin ng sabay sabay. Mas lalo siyang mahihirapan makahuli dahil hindi nakatuktok ang atensyon niya sa iisang target. Hindi niya alam kung saang direksyon siya tatakbo. Mahahati lang ang energy niya. Kaputok putok, lahat ng hinahabol niya makakawala.
Ganun rin naman sa paghahanap ng karelasyon. Hindi pupwedeng iba’t iba ang hinahabol. Kailangan isa lang ang tututukan. Kung hindi, kaputok putok wala kang mahuhuli. Wag mag feeling na ikaw si George Clooney kung sa totoo nama’y lamang ka lang ng ilang paligo kay Bentong.
Pinakaimportante sa lahat, dapat ay laging nasa kamalayan ng isang leon na samu’t sari ang kahayupan sa kagubatan. Maraming mga hyena at cheetah na pakalat kalat at nagtatago sa mga damuhan. Marami rin siyang mga kapwa leon na nagugutom at naghahanap ng biktima. Kung hindi siya maingat, mauunahan siya ng mga ito. Ganun rin naman sa ating mga tao, dapat lagi nating tatandaan na marami ring mga hayup at kahayupan sa kapaligiran. Malamang yang napupusuan mo, meron ring pumupuntiryang iba. Kung hindi mo bibilisan, sigurado kang mauunahan. Kung marami kang dahilan sa sarili mo at nag-aalinlangan ka pa ring kumilos, tandaan mo lang ang kasabihang ito:
“It is better to be a lion for a day, than a sheep all your life.”
Kaya ano pang hinihintay mo? Dali, magpakahayup ka!
Para Sa Mga Single
Posted: July 21, 2011 Filed under: Relationships 21 Comments »
Quiapo in the 1970s. Oo, kunwari na lang naniniwala kang maraming puti sa Quiapo noon. Wag ka nang kumontra.
As of July 21, 2011 ang total human population ay nasa 6,930,000,000. Sa bilang na yan, 3,482,000,000 ay babae which means ang male population ay nasa 3,448,000,000. Kung single ka na babae o single ka na lalake, ang ibig sabihin nun ay nasa more or less 3,450,000,000 ang puwede mong maging boylet o girlaloo. Sabihin na nating kalahati diyan ay masyadong matanda o masyadong bata para sayo, nasa 1,725,000,000 parin yan.
Taking it further, sabihin na nating sa bilang na yan kalahati dun di mo type for any number of reasons. Pwedeng hindi mo gusto yung itsura, hindi mo gusto ugali, hindi mo gusto shape ng paa, hindi mo gusto hugis ng mata, hindi mo gusto amoy ng kili-kili, hindi nag tootoothbrush, di marunong mag “excuse me” pag umutot, at kung ano ano pa. Choosy ka e. Lumalabas na nasa 862,500,000 parin ang natitira.
Again, taking it further, sabihin nating kalahati diyan di ka magugustuhan. Kunwari hindi ka rin marunong mag “excuse me” pag umutot ka o mas malaki yung hinliliit mo sa paa kesa sa hinlalaki mo sa paa. Ang potential partners mo na lang ay nasa 431,250,000. Napakarami diba? Pero isipin mo rin na for any given person you are attracted to, you are competing against 431,250,000 other people. (Kasama na ang mga tulad ni George Clooney na lamang ng mga ilang libong paligo at ilang milyong dolyares sayo) That’s more than the population of the whole of South America.
So to summarize anong nakuha ko sa munting mental exercise na ginawa ko? Ang mga narealize ko ay:
1. With 6,930,000,000 people in this world, no one should ever feel lonely. Not unless you live in Antarctica. (But then Antarctica has 4 million penguins so it shouldn’t be too lonely. Napanuod mo na ba ang pelikulang Happy Feet? Sumasayaw yang mga yan!)
2. Sa dami ng choices mo paano ka makakapili ng isa lang at dun ka na hihinto?
3. Unless you really wanted to, it’s almost impossible to stay single. With 431,250,000 people you are bound to find someone you like and who likes you as well.
Yet here you are.
Kotong Lupa
Posted: July 19, 2011 Filed under: Only in the Philippines | Tags: Joaquin Fajardo 11 Comments »Kahapon habang payapa akong nag mamaneho sa lansangan ng Quezon City, pinara ako ng traffic enforcer. Binusinahan ko pa nung una kase biglang humarang sa daan, akala ko sira-ulong nagpapasagasa. Di ko alam hinuhuli na pala ko. For a split second, cinonsider kong sagasaan na lang. Kaso sa kahuli-hulian, umiral rin ang pagiging Kristiyano ko. Tinabi ko yung kotse at binaba ang bintana. Alam niyo yung kasabihan na mga buwaya daw ang mga pulis? Puwes etong humili sakin ang nagpatotoo nun. Hindi lang dahil mangongotong siya, kundi dahil mukha talaga siyang buwaya.

Nung nakita kong kamukha ni Joaquin Fajardo yung humuhuli sakin, alam ko na agad na makokotongan ako.
To make a long story short, sabi niya “beating the red light” daw ako. Sigurado akong hindi ko ginawa yun. Pero ano ba gagawin ko, makikipag-argumento sa kanya? Pipilitin niyang hingin lisensya ko tapos hindi ko ibibigay? Wala ka namang choice e. Isa pa, 7 na ng gabi ng mga oras na yun. Gutom na ang buwaya. Kailangan ng pang hapunan.
Guys, in case hindi pa kayo nahuhuli at hindi niyo alam kung kinokotongan kayo ng pulis, ganito usually ang script na sinusundan ng mga yan: (Halatang sanay akong mahuli dahil kabisado ko na)
1. “O bale itong lisensya mo tutubusin mo na lang sa city hall ng Quezon City to. Ipipila mo to dun.” Mga ilang ulit niyang sasabihin sayo yan para idiin sayong maaabala ka.
2. “Beating the red light? 2000 ang penalty nito. Kung bibigyan kita ng ticket, may commission pa akong 400 pesos dito.” Malaking katarantaduhan yan dahil sa pagkakaalam ko, wala namang penalty na umaabot ng 2000 pesos (liban na lang kung nahuli ka ng guard sa Ateneo na humahanky-panky sa loob ng kotse sa parking lot. Pero siyempre example ko lang yun. Hindi ko naman talaga ginawa yun. Oo nga, di nga talaga! Leche ka, bakit ba ayaw mong maniwala?!?)
3. “Pasensya? Ah hindi pwedeng pasensya lang e. E di sa lahat na lang pasensya na lang ng pasensya?” Hindi daw libre ang pasensya niya. Kailangan daw bayaran ang pasensya niya.
4. “Pag-usapan na lang natin? O eto nga nag-uusap na tayo e. Ano ba gusto mong mangyari?” Pag binitawan na yang salitang yan, ilabas mo na wallet mo.
Usually hindi talaga ko nagbibigay sa mga ganito. Iniisip ko, buti nang ang gobyerno ng Pilipinas ang kumita kesa pakain ko tong tukmol na to. Kaso, hindi ko alam kung talagang malas lang ba talaga ko o ano, pero tatlong beses na kong nahuhuli ngayong buwan. (Hindi pa tapos ang July sa lagay na yan ah, may dalawang linggo pang natitira) Kung may 3 strike rule lang ang LTO, malamang bisikleta na lang ang minamaneho ko ngayon. Tuwing nahuhuli ka, nasa bandang 600 pesos ang penalty depende sa ginawa mo. Kung tatlong beses kang mahuhuli, nasa 1800. Medyo mabigat sa bulsa.
Kaya kinahihiya ko mang aminin, pero lumihis ako sa daang matuwid.
Naglabas ako ng pera sa wallet ko. Binigay ko sa kanya. Alam mo ba anong sagot ni kupal?
“ETO LANG?!”
Humingi na lang ako ng pasensya at sinabing wala na kong pera.
“O eto nang lisensya mo! Sa susunod wag mo na uulitin ah!”
Biruin mo yun? Binayaran mo na, galit pa. Naisip ko naman, kung pinanganak kang pangit tulad niya, siguro lagi ka rin talagang galit e. Kaya inunawa ko na lang. Tinawag ko na lang na bayaring babae ang nanay niya ng paulit-ulit para makaganti man lang kahit papano.
Kaya mga bata, anong natutunan natin sa maikling kuwentong ipinamahagi ko? Wag manunuhol ng mga pulis at public officials dahil tumutulong lang tayong palawakin ang kultura ng korupsyon sa Pilipinas. At higit sa lahat, kung hindi ka naman natatae, wag magmamadali sa pagmamaneho. Pero kung natatae ka, ibang usapan na yan. Bilisan mo. Lumipad ka kung maaari. Mahal magpa-upholstery.













