Cellmate Gloria Macapagal Arroyo

Bagong profile pic ni GMA sa Facebook.

Kung nanunuod ka ng news at may kahit katiting na pakialam sa mundo, nabalitaan mo na sigurong inaresto si Cong. Gloria Macapagal Arroyo para sa kasong electoral fraud. Ilang araw bago nangyari yun, nagkaron ng aberya sa NAIA I nang pigilan ng gobyernong umalis ang mag asawang Arroyo papuntang Hong Kong. Nang hingan ng statement, sinabi ni President Noynoy Aquino na hindi na daw kailangang mag Hong Kong ng mag-asawang Arroyo dahil may Ocean Park naman sa Roxas Boulevard. (Hula ko lang na yun ang sinabi niya)

Ex-president na may sakit? O ninja na naka-wheel chair?

Nung mga panahong nagtatangkang umalis ang mga Arroyo, pumutok ang Twitter sa samu’t saring opinyon ng mga tao. May mga masama ang loob na parang makakatakas na ang mga Arroyo at hindi na mananagutan sa mga kasalanan nila. Meron namang mangilan-ngilan na naaawa kay GMA at binabatikos ang gobyerno dahil wala daw itong awa.

Pagkatapos ng 2 araw, bumoto ang COMELEC para kasuhan ng electoral fraud si GMA. Siyempre, nag reklamo nanaman ang mga tao. Bakit daw ang bilis. Minadali naman daw ng administrasyon. (Sa totoo lang, dapat naman talagang mabilis ang proseso hindi ba? Masyado lang tayong nasanay sa mabagal) Sa pangalawang beses sa kasaysayan ng Pilipinas, inaresto ang dating presidente ng bansa.

Ex-Pres. GMA nang arestuhin sa St. Luke's

Nagpapanggap ba si GMA tungkol sa sakit niya? Pinapalala lang ba niya? Tama bang hindi siya pinayagang umalis ng bansa? Totoo bang pumunta si Mikey Arroyo sa LA para manuod ng premiere ng Twilight?  Team Jacob kaya siya o Team Edward?

Wag niyo akong tanungin kase hindi ko alam! Pero eto ang mga bagay na alam ko:

1. Kahit makasuhan si GMA, tiyak ako na mabibigyan rin yan ng pardon eventually. Ganyan ang pulitika satin e. Ngayon kung naniniwala kang may sala siya sa taong bayan o ikaw si Susan Roces, papayag ka ba nun? Para mas mapabilis ang proseso dapat ibalik na lang natin ang trial by ordeal parang nung pre-Hispanic times. Ang pinakamagandang gawin ay itali si GMA sa puno ng niyog, buhusan ng arnibal at pakagat sa mga malalaking pulang langgam. Yung mga antik kung tawagin. Kung mabuhay siya, edi not guilty! At least nakakuha tayo ng hustisya kahit papano.

2. Talaga namang may sakit si GMA. Hindi nga lang natin alam kung gaano talaga kalala. Sabi ng karamihan pinapalala lang daw niya. Talaga naman daw naka-neck brace si GMA pero matagal na niyang tinanggal yung Minerva brace na pinakitang suot niya sa mga litrato. Gusto niya kasing ipakita sa DoJ at sa Korte Suprema na may rason talaga siyang mag pagamot sa ibang bansa. Hindi natin alam kung totoo talaga yun, pero pano kung hindi? E nag pakita na siya ng mga litrato na yan ang suot niya e. Pag punta niya sa airport ganyan rin ang suot niya. Para maniwala tayong may sakit talaga siya, kailangan suot niya yan tuwing makikita siya ng publiko! Kailangang panindigan yang “kabayong pangarera” na look na yan!

Lamp shade at bumbilya na lang ang kulang pwede nang decoration sa bahay.

3. Ewan ko sa inyo pero na-iilang akong pinag-uusapan ng lahat ang itlog ni Topacio. I’m sorry pero hindi kami close. Ito naman kasing si Topacio,  sinabing ipapaputol niya yung itlog niya kung hindi bumalik ang mga Arroyo. Pare naman, sa lahat ng puwede mong ipusta, bakit yung itlog mo pa? Dadalawa lang yan e! Hindi ba puwedeng isa na lang sa mga daliri mo? Kahit yung maliit na daliri mo na lang sa paa wala namang gaanong silbi sayo yan e! Hindi mo naman puwedeng pangulangot yan. Bakit kailangang itlog mo pa?!

Ang may-ari ng pinakasikat na itlog sa buong Pilipinas.

4. Nung highschool ako nung laban ng Lakers at Pistons sa NBA Finals, marami sa mga kaibigan ko ang fan ng Pistons. Siyempre ako die-hard na Laker fan diba? With Kobe, Shaq, Karl Malone, and Gary Payton there was no way na matatalo ang Lakers dapat diba? Yun ang iniisip ko nun. So sa kainitan ng trash talk, with all confidence sinabi ko sa lahat na, “Ipupusta ko ang kaliwang itlog ko sa Lakers-Pistons na to!” Anong nangyari sa Game 1? Talo ang Lakers. Sabi ko, “DOUBLE OR NOTHING!” Anong ending? Pistons ang nag champion. Ngayon every once in a while sinisingil ako ng mga kaibigan ko sa utang kong itlog sa kanila. Ano ang lesson dito? Wag ipupusta ang sariling itlog.

5. Tancha ko sa gitna ng kaguluhang to, nakahinga ng maluwag tong si Topacio e. Tiyak namang hindi babalik ang mga Arroyo kung umalis e! Napugutan ka pa ng itlog kung nagkataon. Kaya may conflict of interest rin e diba? Kung nakataya na yung itlog mo, iisipin mo pa ba ang best interest ng kliyente mo? Kung ako nasa sitwasyon niya siyempre mas matimbang para sakin ang itlog ko kesa kay GMA! (Pero wag na nating pag usapan ang itlog ko)

6. Kahit binigyan ng TRO ng Supreme Court ang hold departure order sa mga Arroyo, pinigilan pa rin ni DoJ Sec. Leila De Lima na umalis sila GMA. Dahil dito, ang daming nagsasabi na ang tapang ni De Lima. May mga tao ring pinupuri ang “bayag” ni De Lima dahil sa ginawa niya. Ewan ko ha, it’s one thing na masabihan ka na matapang kang babae. Pero para masabihan kang babaeng may bayag? Ano kayang pakiramdam ni De Lima tungkol dun? Parang hindi ka gaanong matutuwa e.

Pag pinutol ang itlog ni Topacio, ilalagay to sa mesa ni Leila De Lima. Nakalagay sa garapon at lumulutang sa arnibal.

 7. Alam mo kung sinong pinaka-ayaw na makulong ang mga Arroyo? Ang buwayang si Lolong. Kasi pag nakulong si Mike Arroyo, hindi na si Lolong ang “biggest crocodile in captivity”.

"Galingan mo, Mike!"

8. Sabi ni Ping Lacson sa interview, nakakaawa daw si GMA kase walang naaawa sa kanya. Kung tutuusin, totoo naman. Sa poll ng ABS-CBN tinanong nila kung mali bang inaresto si GMA, 80% said no. Pero kung ako kay Ping Lacson, hindi na ko maglalakas loob na magsalita. Hindi ba may kaso ka rin sa pag patay ng tao? Tapos anong ginawa mo, tumakas ka diba? Hindi ka malinis.

9. Ano kaya kung talagang nagsasabi naman pala ng totoo si GMA noh? Tapos biglang natuluyan. Siguro makokonsensya tayong lahat sa mga pinagsasasabi natin. Lalo na ako. Hiniritan ko ng hiniritan e. Gloria wag ka munang mamamatay please! Hindi kakayanin ng konsensya ko!

10. Nung presidente pa si GMA at kainitan ng “Hello Garci” scandal, binabatikos siya ng mga kritiko sa kaliwa at kanan. Isa sa mga yan? Ang dating pangulong Corazon Aquino. Dahil tusong matsing si Gloria, inungkat ulit ang isyu ng Hacienda Luisita para bweltahan si Cory. (Which is fine kasi talaga namang dapat na magkaron ng resolusyon tungkol sa matagal nang isyu ng pang-aapi at pag patay sa mga magsasaka) Pero ang pinaka-matindi niyang ginawa? Binigyan ng pardon ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Ninoy. Wrong move. Hindi niya inasahan na magiging susunod na presidente si Noynoy. Ngayon nagtataka kayo kung bakit mainit na mainit si PNoy kay GMA? There’s your answer. It’s business AND it’s personal.

Hanep sa pose, pang Mr. Pogi!

Kung may mga aral tayong mapupulot dito, (liban sa pagpupusta ng sariling itlog) that is to quit while you’re ahead. A few months ago kung umalis si Gloria, hindi na dapat niya pinoproblema to. As a matter of fact, a few months ago nakakalabas labas pa siya ng bansa. Pero hindi. Nag decide siyang tumakbo for Congress. Para saan? Para sa immunity? Dahil umaasa kang magkakaron ng charter change at puwede kang maging prime minister? Tingin ko hindi niya inaasahang tutuluyan siya ni PNoy e. E kaso mali siya.

Nakakatawang isipin na ganito na ang kalagayan ng dating pangulo ng Pilipinas na si GMA, na dating kilala bilang mataray at mapangdusta. Kung si Erap nung nakulong, nagkaron pa ng EDSA 3 at pinagtanggol ng mga supporters niya. Muntik pa ngang manalo sa eleksyon e diba? Kahit sabihin mong ganun siya, may nagmamahal at sumusuporta kay Erap. Kay Gloria ba sino? Si Prospero Pichay?

Ang isa pang aral na mapupulot natin sa nangyari kay Gloria? Karma’s a bitch. Or in GMA’s case, she’s karma’s bitch.


One Comment on “Cellmate Gloria Macapagal Arroyo”

  1. Superduperinlove says:

    Tama lang kay GMA yan. Gantihan lang.ü


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 48 other followers