Panday ng Ina Mo, Enteng
Posted: December 29, 2011 Filed under: Movies, Only in the Philippines | Tags: Ang Panday 2, Bong Revilla, Enteng ng Ina Mo, MMFF, Vic Sotto 5 Comments »Taon-taon sa huling linggo ng December ay naglalahong parang bula ang mga Hollywood movies sa mga sinehan at napapalitan ng mga pelikulang Pinoy. Para sa mga hindi nanunuod ng mga Pinoy movies, ito ang pinakamasaklap na linggo sa buong taon ng panunuod ng sine.
(Para sakin, pinakamasaklap pa rin nung nagkaron ng isang linggo na Breaking Dawn lang ang palabas sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas. At malamang mangyayari ulit ang trahedyang ito kapag pinalabas na ang Breaking Dawn 2. Para narin nilang ipinagbawal ang mga lalake sa mga sinehan tuwing ginagawa nila yan. Sana magkaron ng isang buong linggo na The Expendables 2 lang ang palabas. Makaganti lang)
Pero bakit nga ba may MMFF? Ginagawa ito dahil buong taong bugbog sarado ang mga pelikulang Pinoy sa mga Hollywood films. Nung 1970-80s sa panahon ng mga tanyag na direktor tulad nila Lino Brocka at Ishmael Bernal, nasa 300 ang pinapalabas na pelikulang Pinoy sa mga sinehan. Nung 2011? 24 na lang. Kung wala ang MMFF, puro pelikula na lang ni John Lloyd at ni Budoy ang mapapanuod mo. Kaya tuwing panahon na ng Metro Manila Film Festival, pwersahan ang labanan.
Gaya ko, siguro gusto mong manuod ng isa sa mga pelikula sa MMFF. Pero tulad ko, hindi mo rin alam kung anong papanuorin. Kaya para sa mga hindi makapili ng papanuorin, hayaan nyong maging gabay ang film reviews na gagawin ko. Ang film reviews ng isang taong wala pang napapanuod na pelikula sa MMFF. Bakit kamo? Aba mahal na ang bayad sa sine ngayon ah. Hindi pwedeng magkamali sa pagpili!
Simulan natin sa:
Enteng ng Ina Mo
Nung una kong narinig na may ganitong pelikula ang una kong naisip ay, “Nampucha naman, wala na ba silang ibang maisip?!” Sigurado ako hindi lang ako ang nag-isip nun. Pero alam mo ba kung anong highest-grossing film sa MMFF ngayon so far? Enteng ng Ina Mo. Nandiri-diri pa tayo nung una sa idea pero kaputok-putok papanuorin rin pala natin. Last year, ang top-grossing local film ay Ang Tanging Ina Mo na may 147 million. Ang pangalawa? Si Agimat at si Enteng with 145 million. Akala mo lang hindi nag-iisip ang mga gumawa ng pelikulang to pero sa totoo lang, sila ang magaling e. With 91 million so far, siya ang pinakamalaki ang kinita sa MMFF. Pumapangalawa lang ang Panday 2 with 51 million. Last year 2 million lang ang agwat ng 1st and 2nd. Ngayon 40 million na. Sa nakaisip ng Enteng ng Ina Mo, humihingi ako ng paumanhin. Nakakadiri ka pero ang galing mo.
At dahil kumita ang pelikulang to, asahan niyo na magkakaron ng isa sa mga pelikulang to sa mga susunod na MMFF: Enteng ng Ina Mo Rin; Enteng ng Ina Nating Lahat; Mano Po, Enteng; Enteng ng Ina Mo, Panday. (Bakit hindi niyo pa pagsamahin yung tatlo diba?)
(Maraming nag react violently nung nalaman nilang may relasyon si Vic Sotto at Pauleen Luna. Ang tanda na daw ni Vic para kay Pauleen Luna. Pero alam mo kung anong mas kontrobersyal kung nagkataon? Kung naging si Vic Sotto at Aiza Seguerra. Ngayon naniniwala na ko sa kasabihang “everything happens for a reason.” Nagpapasalamat ako na naging lesbiana si Aiza. Hindi ata kaya ng sikmura ko kung naging sila ni Vic Sotto)
Ang Panday 2
Two weeks ago lang ang working title nitong pelikulang to ayon sa ClicktheCity ay Ang Panday 2: Ikalawang Yugto. Sa awa ng diyos may nakaisip siguro sa kanila at sinabing, “Teka… Ang Panday 2: Ikalawang Yugto? Parang mali ah. Hindi ba redundant yun?” kasi pinalitan nila yung title. Buti na lang, kasi para kang nagpangalan ng pelikulang “Harry Potter 2: Book 2″ Medyo tanga pakinggan diba?
Sa trailer ko pa lang napapanuod to at aaminin ko nabilib ako sa graphics. Parang pinaghalong Lord of the Rings, Eragon, at Clash of the Titans ang itsura. Pero tutal gagastos na lang rin sila sa CGI, hindi ba nila puwedeng ayusin ang make-up ni Philip Salvador? Mukha siyang Ronald McDonald na kumain ng adobong pusit e.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit taon taon may pelikula tong si Bong Revilla. Hindi ka ba busy sa pagiging senador? Hindi ba full-time job yan? Ewan ko ha, pero kung sakin lang kung senador ka na, tigilan mo na yung ibang trabaho mo. Malaking katungkulin yan. Umaasa sayo ang bayan. Hindi mo ba igugugol ang lahat ng oras mo sa trabaho mo kung may ganyan kang klaseng responsibilidad? Bakit nakikipag-espadahan ka pa kay Ronald McDonald?
Shake, Rattle, and Roll 13
Shake, Rattle, and Roll 13. 13. Trese. Hanggang anong numero kaya sila aabot? Habang nag bbrainstorm sila para sa mga pelikulang isasali nila sa MMFF wala bang nagsasabi na, “Teka, nakaka-12 na Shake, Rattle, and Roll na tayo baka nagsasawa na ang mga tao. Ibahin naman kaya natin?” Kung meron man tingin ko may sasagot ng, “Pare naman, nakakatamad e! Okay na yan, Shake, Rattle, and Roll na lang ulit! Pag-iisipin mo pa ko ng bagong title e!”
At bakit parang nasa background ng poster nila si Ronald McDonald na kumain ng adobong pusit? Wala na bang image na puwedeng ilagay? Nagtitipid?
(Naniniwala ako na isa si Maricar Reyes sa mga pinakamagandang artista sa pelikulang Pilipino ngayon. Kaya ayokong panuorin tong pelikulang to. Tingin ko masisira lang ang mga paniniwala ko sa buhay e. Sa poster pa lang tumutulo na ang uhog ni Maricar Reyes e. Sisirain niyo si Maricar Reyes para sakin! Hindi ako makakapayag! Hindi siya nasira sakin nung lumabas ang sex tape niya at ng nag suot siya ng wig na nag mukhang may patay na Shih Tzu sa ulo niya para sa pelikulang Miss You Like Crazy. Pero ibang usapan na pag may mga tumutulo nang uhog!)
Segunda Mano
Hindi ko alam kung anong gustong sabihin ng poster ng pelikulang to. Nagpahiran ba sila ng lipstick sa mukha? Naaksidente ba sila at nauntog si Kris Aquino? Nagsampalan ba sila ng gamit na napkin? Hindi ko talaga alam.
Hindi ko rin alam kung bakit ka manunuod ng pelikulang si Kris Aquino ng bida. Nanunuod ka ba ng pelikula dahil gusto mo talagang makakita ng bad acting? Pinaparusahan mo ba ang sarili mo? Hindi ko maintindihan.
(Kung napanuod mo na ang Segunda Mano, huhulaan ko na iisa lang ang expression ni Kris Aquino sa pelikulang yan. Yung “constipated” look. Parang hindi matae na hindi mo maintindihan. Sa poster pa lang ganun na ang expression niya e. Nagugulat ako na wala pang lumalapit sa kanya para maging endorser ng Diatabs o Imodium)
My Househusband
Sa pelikulang to, gumaganap sila Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bilang mag-asawang may marital problem. Soooo… anong pinagkaiba niyan sa Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo? Talagang taon taon na lang ang roles nila ay mag asawang may marital problem? Hindi ba sila pwedeng maging mag asawang minumulto ng antique na aparador? Hindi ba sila pwedeng maging mag asawang nakilala ni Enteng? Hindi ba sila puwedeng maging mag asawang kinakalaban ni Panday? Kung tuwing Pasko ka lang manunuod ng pelikulang Pilipino, iisipin mo siguro na ang mga artista lang sa Pilipinas ay sila Vic Sotto, Bong Revilla, Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo at ang mag asawang Juday at Ryan.
(Speaking of Eugene Domingo, it’s worth mentioning na tatlo ang pelikula niya sa MMFF. Ibig sabihin sa 7 pelikula na puwede mong panuorin, kalahati dun mapapanuod mo si Eugene Domingo. Bakit? Mabenta kasi si Eugene Domingo e. Magaling na aktres na puwede sa comedy, drama, o horror. Ewan ko lang kung kaya niya mag action. Nasa Asiong Salonga ba siya? Hindi naman siguro siya gumugulong gulong dun at nakikipagbarilan noh? Hindi ako magugulat kung andun din siya. Pero magtataka ka kung bakit siya na lang lagi. Wala na bang ibang artistang versatile ngayon sa showbiz? Baka pagtagal ma-umay na ang mga tao dahil halos lahat na lang ng pelikula andun si Eugene Domingo)
Yesterday, Today, Tomorrow
So far sa ticket sales, ang Yesterday, Today, Tomorrow daw ang pinakakulelat. Naghahabulan lang sila ng Asiong Salonga. Alam mo kung bakit? Kasi drama to e. Walang gustong nalulungkot kapag Pasko. At kadalasan pag Pasko, kasama mo ang buong pamilya para manuod ng sine. Kasama mo ang mga bata. Ngayon isasama mo ba ang mga anak mo para panuorin si Maricel Soriano at si Gabby Concepcion na nagbabatuhan ng paso at baso? Hindi pa ba sapat na nakikita nila sa bahay yun? Pero siyempre, kailangan rin ng mga pelikulang ganito. Hindi naman puwedeng puro Enteng Kabisote at Panday lang ang mga pelikulang pinapalabas sa MMFF. Siyempre merong “obligatory drama movie” for variety. Parang kung ano ang Mano Po noon sa mga nakaraang film festivals.
(Nakakalungkot mang aminin pero hindi sapat ang mahahabang legs ni Solenn Heussaff para ibenta tong pelikulang to. Nakakalungkot kase kung hindi ka manunuod ng pelikula dahil sa legs ni Solenn Heussaff, bakit ka pa ba manunuod?! Kung magkaron ng pelikula kung saan hinahanap ni Enteng ang mahiwagang legs ni Solenn Heussaff, hindi mo ba papanuorin? Mukhang wala siyang sense na pelikula pero limang ulit ko siguro siyang papanuorin)
Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga
Sa lahat ng pelikula sa MMFF, ito ang pinakahinahangaan ng mga critics. Sa katunayan, ito ang nanalo ng Best Picture para sa MMFF 2011. Binigyan rin to ng A rating ng MTRCB. Sa mga hindi nakakaalam, malaking bagay ang mabigyan ng A rating dahil malaki ang subsidy na binibigay sa mga pelikulang ito. Isang incentive ito ng MTRCB para gumawa ang mga Pilipino ng mga kalidad na pelikula. Sa lahat ng mga pelikula sa MMFF, ito ang pinakamalamang kong papanuorin. Maraming viewers ang nagsasabi na maganda daw ito. May mangilan-ngilan rin namang film reviews na nagpapatotoo nito, may mga kapintasan nga lang daw.
Alam mo anong pumipigil saking panoorin to? Si Jeorge Estregan. Hindi ko alam kung kaya kong panuorin si Jeorge Estregan ng dalawang oras e. Hindi ko alam kung kaya kong sikmuraing makita siyang hinahalikan si Carla Abellana. Una sa lahat, bakit ba kasi kailangang siya ang bida? Well, siya kasi ang producer. Pero hindi sapat na rason yun e! Bakit kailangang siya ang bida? Hindi ba puwedeng si Robin Padilla na lang? O kahit si Cesar Montano. Yung action star sana na kapanipaniwala na action star. Hindi yung mukhang hihingalin pag nakipaghabulan sa mga pulis.
At kung parehas tayo ng kinalakihang kabataan, malamang kilala niyo si Jeorge (George, Jorge, ang daming spelling ng pangalan akala mo si Gadhafi) bilang si Sputnik sa mga pelikula ni Bong Revilla. Siya yung naka-Mohawk na laging labas ang dila na inuupakan ni Bong Revilla. Kahit maging governor pa siya, kahit maging presidente pa siya ng Pilipinas, kahit tawagin pa niyang E.R. Ejercito ang sarili niya, siya pa rin si Sputnik para sakin.
So nakapili ka na ba ng papanuorin? Hindi pa rin? Kung hindi pa wag kang mag-alala, abangan mo na lang yung susunod na MMFF. Nabalitaan mo na ba ang line-up sa susunod na MMFF? Eto sila:
Enteng ng Ina Mo Rin
Ang Panday 3: Ikatlong Yugto
Shake, Rattle, and Roll 14
Random Kris Aquino Horror Movie
Budoy: The Movie
Emilio Aguinaldo (starring Jeorge Estregan Jr.)
Praybeyt KimmyDora (starring Eugene Domingo and Vice Ganda)
Juday-Ryan Film Kung Saan May Marital Problem Sila Ulit
Obviously hula ko lang yan. Pero pustahan tayo kalahati diyan tama. Alam ko lahat tayo gusto ng mas mataas na kalidad ng pelikula tuwing MMFF. Pero sa totoo lang, hindi naman porke’t hindi pang Best Foreign Film award sa Academy Awards ang mga pelikulang ito ang ibig sabihin ay hindi na sila dapat panuorin. May rason kung bakit gumagawa tayo ng mga pelikulang ganyan. Ginagawa natin ang mga pelikulang yan kase may tumatangkilik. Kase minsan, gusto lang natin mag relax at matawa sa mga jokes ni Vic Sotto. Dahil gusto nating makita si Judy Ann at Ryan na nag-aaway kung sinong maglalaba. Dahil kahit mukhang laging may LBM si Kris Aquino, gusto nating magulat at matakot sa mga multong humahabol sa kanya. At sa totoo lang, walang masama dun. Walang masama na minsan sa isang taon ay tangkilikin natin ang sariling atin.
Tutal kung kaya mong sikmurain ang Twilight, bakit hindi si Kris Aquino?
7 Gift Giving Rules for Christmas
Posted: December 12, 2011 Filed under: Uncategorized | Tags: Anne Curtis, Christmas, Optimus Prime, Twilight 9 Comments »Maraming mga tao ang natutuwa tuwing malapit na ang Pasko. Andyan ang mga batang isang taong pinagtaguan ng mga ninong at ninang nila. Andyan ang mga snatcher sa Divisoria na nambibiktima ng mga mamimili. At higit sa lahat, andyan si Jose Mari Chan na nabubuhay lang tuwing pasko. (Kumbinsido ako na mula January hanggang mid-November ay natutulog si Jose Mari Chan sa loob ng kabaong na parang bampira at gumigising lang pag panahon na pag tumugtog na ulit ang Christmas In Our Hearts. Walang makakapagbago ng isip ko)
Pero marami ring nakakainis sa Pasko. Andyan ang napakatinding traffic. Andyan ang siksikang mga malls. At higit sa lahat, andyan yung mahirap at mahabang proseso ng pamimili ng regalo para sa mga mahal natin sa buhay at yung mga asungot na nabunot natin sa office exchange gift. Kahit gaano pa nila ipagpilitan, hindi totoo yung kasabihan na “it’s better to give than to receive.” Wag tayong mag kunwari. Kasinungalingan yan na tinuturo natin sa mga bata para hindi sila mag expect ng regalo sa pasko. Mas masarap bang magbigay ng iPad kesa mabigyan ng iPad? Hindi naman diba? Last year, mahigit 20 na tao ang binigyan ko ng regalo. Nadala ako ng “Spirit of Christmas” e. Ang natanggap kong regalo? Siguro mga 4 lang. Kinumbinsi ko ang sarili ko na “It is better to give than to receive” para pampalubag loob. Pero one year later masama pa rin ang loob ko. So hindi totoo na it’s better to give than to receive!
Since malapit na ang Pasko, malamang nakabili ka na ng mga pang regalo. Pero kung gaya ka ng typical Pinoy na mahilig sa last minute, ngayon ka pa lang dadagsa sa mga malls. Siguro pinoproblema mo kung anong dapat bilhin para sa boyfriend/asawa/kulasisi mo. Hindi ko puwedeng sabihin sayo kung ano ang dapat mong bilhin (*ahem* Fun Tee sa Robinson’s Department Store *ahem*) pero in the spirit of Christmas, bibigyan kita ng tips. You’re welcome.
So without further ado, I give you:
REYPINMOKO’S 7 GIFT GIVING RULES FOR CHRISTMAS
(Ayos ba? Para kunwari legit!)
1. Hindi dahil gusto mo nun, ibig sabihin gusto rin niya nun.
Isa sa pinakamalaking pagkakamaling gagawin ng mga babae ngayong pasko ay mag regalo ng mga bagay sa boyfriend niya na tingin niya magugustuhan nito dahil yun ang gusto niya. Ang pinakamatinding salarin? Mga babaeng nag reregalo ng stuffed toy. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip nila para mag regalo ng stuffed toy sa boyfriend nila. Tingin mo ba magugustuhan ng boyfriend mo yun? I’m sorry, pero hindi cute yun. Pag sinabi niya na, “Wow thanks baby! Ang cute cute!” ang gusto talaga niyang sabihin ay, “Nampucha, ano to?! Anong kagaguhan to?!” Masyado lang siyang polite para sabihin sayo ng diretso.
Tsaka sino bang kilala mong matandang lalake na may stuffed toy? Sino? Si Mr. Bean lang diba? I rest my case. On a somewhat related note, we move on to…
2. Wag mag reregalo ng kahit anong galing sa Blue Magic.
Talagang puntahan ang Blue Magic kung naghahanap ka ng mga cool na regalo… kung nasa elementary ka pa. Kung matanda ka na at kumikita naman ng above minimum wage, wala kang karapatan para mag regalo ng kahit anong galing sa Blue Magic. Dati nakakatawa pa yung condom na nasa glass case at may nakalagay na “IN CASE OF EMERGENCY BREAK GLASS.” Pero ngayon? Hindi na nakakatuwa yan kase pag may tatanga tangang naniwala diyan baka makakabuntis siya ng di oras.
3. Wag mag regalo ng cheesy na bagay pag pasko.
Nung bata ka pa, siguro mga 6 years old, anong gusto mong matanggap na regalo tuwing pasko? Malamang laruan diba? Siguro puwede na rin yung damit pero naiinis ka pa ng konti nun pag niregaluhan ka ng damit. Gusto mo bang makatanggap ng Christmas card? Malamang iiyak ka nun pag niregaluhan ka ng Christmas card ng parents mo at hindi dahil na-touch ka sa sinulat nila. Unless may nakaipit na pera sa Christmas card na yun sigurado ako bwisit na bwisit ka nun!
Ngayong matanda ka na, malamang nag-iba na ang konsepto mo ng laruan. Yung G.I. Joe nung bata ka, iPad na yan ngayon. Pero siyempre medyo mahal yun kaya nakakahiya naman i-request yan sa girlfriend mo diba? Not unless sugar mommy mo siya o talagang mayaman lang siya. Pero sigurado ako, mas gugustuhin mo pang maregaluhan ng t-shirt kesa sa Christmas card o scrapbook. Pasensya na girls, alam namin pinaghirapan yang scrapbook na yan. Alam namin nahirapan kayong mag dikit dikit ng glitters sa Christmas card na gawa niyo. Pero sa totoo lang, karamihan samin mas gusto pang makatanggap ng Optimus Prime na action figure kesa scrapbook. (Lalo na yung nilalagyan ng battery at nagsasalita. Shit ang astig nun.)
4. Pag mag reregalo ka, agahan mo ang pagbigay.
Nasubukan mo na bang mag regalo ng mamahaling gamit, kunwari yung pabangong paborito niya o yung relos na matagal na niyang gustong bilhin, pero ang regalo niya sayo pocket book lang? Yung pangit na libro pa ha. Hindi yung tipong mababago ang buhay mo. Yung tipong Twilight saga tapos may illustrations. Ganun kapangit. Nakakainis diba? Hindi mo naman siya masisi. Either walang kwenta lang talaga siyang mag regalo at dapat lamunin ng buhay ng lupa o hindi niya lang talaga alam na mag reregalo ka ng matindi.
Madali lang iwasan yan. Agahan mo mag bigay ng regalo. Kahit 6 months before okay lang para makapag-ipon siya! Kase kung 5 days before Christmas mo ibibigay, wala na siyang magagawa. Nabili na niya yang “Illustrated Guide to The Twilight Saga” na yan. Kahit dagdagan pa niya yan ng iPhone 4S, bibigay pa rin niya yung libro. Nabili na niya e.
5. Wag mag reregalo ng bagay na alam mong hindi niya kayang tapatan.
Gaya ng sinabi ko, badtrip pag nag regalo ka ng astig na regalo pero walang kwenta yung regalong ibibigay sayo. Pero badtrip rin yun para sa nagbigay ng walang kwentang regalo. Hindi naman niya kasalanang kuripot/baduy/wala siyang kwenta e. Kaya para iwasan yan, wag ka na mag regalo ng matitinding bagay kung alam mong hindi naman niya kayang tapatan. Mag reregalo ka ng MacBook Air. Unless i-regalo niya sayo si Anne Curtis na walang suot kung hindi lipstick lang, hindi niya mahihigitan ang regalo mo.
6. Hindi porke’t kailangan niya, yun ang ibibigay mo.
Oo, lumalaki ang tiyan niya. Parang malaking smiley face yung katawan niya pag nakahubad. Mukha na siyang Michelin Man. Walang duda kailangan na niyang magpapayat. Pero hindi ibig sabihin nun reregaluhan mo siya ng Ab Flex o kaya gym membership sa Pasko. Nakakasakit ng damdamin yun. Hindi niya kailangang maalala ang mga problema niya sa buhay ngayong pasko. Reregaluhan mo ba siya ng bra porke’t nagkaka-man boobs na siya?
7. Bigay mo yung gusto niya pero ayaw niyang bilhin para sa sarili niya.
Alam mo kung anong regalo ang astig makuha ngayong Pasko? Yung regalong pag nakita mo sa mall sasabihin mo, “Uy gusto ko nun!” pero hindi mo bibilhin kase alam mong walang sense. Yung tipong gusto mong bilhin pero panghihinayangan mong bilhin kase mas marami kang pangangailangan na dapat unahin. Yan ang example ng malupit na regalo. Kunwari, gusto niya ng iPod pero hindi niya kayang bilhin. Yun ang bilhin mo! Kunwari, gusto niyang bumili ng t-shirt sa Lacoste pero namamahalan siya, yun ang bilhin mo! Sa pagbibigay ng regalo sa Pasko, mas importanteng masatisfy ang want kesa sa need. Kasi karamihan sa ating mga Pinoy, buong taon inuuna natin ang mga pangangailangan natin e. Sa Pasko lang tayo may excuse na magluho sa sarili.
Kaya sabihin niyo sa girlfriend niyo, kung hindi nila kayang ibigay sa inyo si Anne Curtis na lipstick lang ang suot, bigyan niya na lang kayo ng iPad. Buong taon niyo naman silang nilibre ng sine at hinatid sundo sa bahay e. Oo, hindi kayang tumbasan ng pera at materyal na bagay ang pagmamahal. Pero wala namang masamang subukan diba?
Happy Holidays, boys and girls!
Cellmate Gloria Macapagal Arroyo
Posted: November 21, 2011 Filed under: Only in the Philippines | Tags: Ferdinand Topacio, Gloria Macapagal Arroyo, GMA, Leila De Lima, Mike Arroyo, Mikey Arroyo Leave a comment »Kung nanunuod ka ng news at may kahit katiting na pakialam sa mundo, nabalitaan mo na sigurong inaresto si Cong. Gloria Macapagal Arroyo para sa kasong electoral fraud. Ilang araw bago nangyari yun, nagkaron ng aberya sa NAIA I nang pigilan ng gobyernong umalis ang mag asawang Arroyo papuntang Hong Kong. Nang hingan ng statement, sinabi ni President Noynoy Aquino na hindi na daw kailangang mag Hong Kong ng mag-asawang Arroyo dahil may Ocean Park naman sa Roxas Boulevard. (Hula ko lang na yun ang sinabi niya)
Nung mga panahong nagtatangkang umalis ang mga Arroyo, pumutok ang Twitter sa samu’t saring opinyon ng mga tao. May mga masama ang loob na parang makakatakas na ang mga Arroyo at hindi na mananagutan sa mga kasalanan nila. Meron namang mangilan-ngilan na naaawa kay GMA at binabatikos ang gobyerno dahil wala daw itong awa.
Pagkatapos ng 2 araw, bumoto ang COMELEC para kasuhan ng electoral fraud si GMA. Siyempre, nag reklamo nanaman ang mga tao. Bakit daw ang bilis. Minadali naman daw ng administrasyon. (Sa totoo lang, dapat naman talagang mabilis ang proseso hindi ba? Masyado lang tayong nasanay sa mabagal) Sa pangalawang beses sa kasaysayan ng Pilipinas, inaresto ang dating presidente ng bansa.
Nagpapanggap ba si GMA tungkol sa sakit niya? Pinapalala lang ba niya? Tama bang hindi siya pinayagang umalis ng bansa? Totoo bang pumunta si Mikey Arroyo sa LA para manuod ng premiere ng Twilight? Team Jacob kaya siya o Team Edward?
Wag niyo akong tanungin kase hindi ko alam! Pero eto ang mga bagay na alam ko:
1. Kahit makasuhan si GMA, tiyak ako na mabibigyan rin yan ng pardon eventually. Ganyan ang pulitika satin e. Ngayon kung naniniwala kang may sala siya sa taong bayan o ikaw si Susan Roces, papayag ka ba nun? Para mas mapabilis ang proseso dapat ibalik na lang natin ang trial by ordeal parang nung pre-Hispanic times. Ang pinakamagandang gawin ay itali si GMA sa puno ng niyog, buhusan ng arnibal at pakagat sa mga malalaking pulang langgam. Yung mga antik kung tawagin. Kung mabuhay siya, edi not guilty! At least nakakuha tayo ng hustisya kahit papano.
2. Talaga namang may sakit si GMA. Hindi nga lang natin alam kung gaano talaga kalala. Sabi ng karamihan pinapalala lang daw niya. Talaga naman daw naka-neck brace si GMA pero matagal na niyang tinanggal yung Minerva brace na pinakitang suot niya sa mga litrato. Gusto niya kasing ipakita sa DoJ at sa Korte Suprema na may rason talaga siyang mag pagamot sa ibang bansa. Hindi natin alam kung totoo talaga yun, pero pano kung hindi? E nag pakita na siya ng mga litrato na yan ang suot niya e. Pag punta niya sa airport ganyan rin ang suot niya. Para maniwala tayong may sakit talaga siya, kailangan suot niya yan tuwing makikita siya ng publiko! Kailangang panindigan yang “kabayong pangarera” na look na yan!
3. Ewan ko sa inyo pero na-iilang akong pinag-uusapan ng lahat ang itlog ni Topacio. I’m sorry pero hindi kami close. Ito naman kasing si Topacio, sinabing ipapaputol niya yung itlog niya kung hindi bumalik ang mga Arroyo. Pare naman, sa lahat ng puwede mong ipusta, bakit yung itlog mo pa? Dadalawa lang yan e! Hindi ba puwedeng isa na lang sa mga daliri mo? Kahit yung maliit na daliri mo na lang sa paa wala namang gaanong silbi sayo yan e! Hindi mo naman puwedeng pangulangot yan. Bakit kailangang itlog mo pa?!
4. Nung highschool ako nung laban ng Lakers at Pistons sa NBA Finals, marami sa mga kaibigan ko ang fan ng Pistons. Siyempre ako die-hard na Laker fan diba? With Kobe, Shaq, Karl Malone, and Gary Payton there was no way na matatalo ang Lakers dapat diba? Yun ang iniisip ko nun. So sa kainitan ng trash talk, with all confidence sinabi ko sa lahat na, “Ipupusta ko ang kaliwang itlog ko sa Lakers-Pistons na to!” Anong nangyari sa Game 1? Talo ang Lakers. Sabi ko, “DOUBLE OR NOTHING!” Anong ending? Pistons ang nag champion. Ngayon every once in a while sinisingil ako ng mga kaibigan ko sa utang kong itlog sa kanila. Ano ang lesson dito? Wag ipupusta ang sariling itlog.
5. Tancha ko sa gitna ng kaguluhang to, nakahinga ng maluwag tong si Topacio e. Tiyak namang hindi babalik ang mga Arroyo kung umalis e! Napugutan ka pa ng itlog kung nagkataon. Kaya may conflict of interest rin e diba? Kung nakataya na yung itlog mo, iisipin mo pa ba ang best interest ng kliyente mo? Kung ako nasa sitwasyon niya siyempre mas matimbang para sakin ang itlog ko kesa kay GMA! (Pero wag na nating pag usapan ang itlog ko)
6. Kahit binigyan ng TRO ng Supreme Court ang hold departure order sa mga Arroyo, pinigilan pa rin ni DoJ Sec. Leila De Lima na umalis sila GMA. Dahil dito, ang daming nagsasabi na ang tapang ni De Lima. May mga tao ring pinupuri ang “bayag” ni De Lima dahil sa ginawa niya. Ewan ko ha, it’s one thing na masabihan ka na matapang kang babae. Pero para masabihan kang babaeng may bayag? Ano kayang pakiramdam ni De Lima tungkol dun? Parang hindi ka gaanong matutuwa e.

Pag pinutol ang itlog ni Topacio, ilalagay to sa mesa ni Leila De Lima. Nakalagay sa garapon at lumulutang sa arnibal.
8. Sabi ni Ping Lacson sa interview, nakakaawa daw si GMA kase walang naaawa sa kanya. Kung tutuusin, totoo naman. Sa poll ng ABS-CBN tinanong nila kung mali bang inaresto si GMA, 80% said no. Pero kung ako kay Ping Lacson, hindi na ko maglalakas loob na magsalita. Hindi ba may kaso ka rin sa pag patay ng tao? Tapos anong ginawa mo, tumakas ka diba? Hindi ka malinis.
9. Ano kaya kung talagang nagsasabi naman pala ng totoo si GMA noh? Tapos biglang natuluyan. Siguro makokonsensya tayong lahat sa mga pinagsasasabi natin. Lalo na ako. Hiniritan ko ng hiniritan e. Gloria wag ka munang mamamatay please! Hindi kakayanin ng konsensya ko!
10. Nung presidente pa si GMA at kainitan ng “Hello Garci” scandal, binabatikos siya ng mga kritiko sa kaliwa at kanan. Isa sa mga yan? Ang dating pangulong Corazon Aquino. Dahil tusong matsing si Gloria, inungkat ulit ang isyu ng Hacienda Luisita para bweltahan si Cory. (Which is fine kasi talaga namang dapat na magkaron ng resolusyon tungkol sa matagal nang isyu ng pang-aapi at pag patay sa mga magsasaka) Pero ang pinaka-matindi niyang ginawa? Binigyan ng pardon ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Ninoy. Wrong move. Hindi niya inasahan na magiging susunod na presidente si Noynoy. Ngayon nagtataka kayo kung bakit mainit na mainit si PNoy kay GMA? There’s your answer. It’s business AND it’s personal.
Kung may mga aral tayong mapupulot dito, (liban sa pagpupusta ng sariling itlog) that is to quit while you’re ahead. A few months ago kung umalis si Gloria, hindi na dapat niya pinoproblema to. As a matter of fact, a few months ago nakakalabas labas pa siya ng bansa. Pero hindi. Nag decide siyang tumakbo for Congress. Para saan? Para sa immunity? Dahil umaasa kang magkakaron ng charter change at puwede kang maging prime minister? Tingin ko hindi niya inaasahang tutuluyan siya ni PNoy e. E kaso mali siya.
Nakakatawang isipin na ganito na ang kalagayan ng dating pangulo ng Pilipinas na si GMA, na dating kilala bilang mataray at mapangdusta. Kung si Erap nung nakulong, nagkaron pa ng EDSA 3 at pinagtanggol ng mga supporters niya. Muntik pa ngang manalo sa eleksyon e diba? Kahit sabihin mong ganun siya, may nagmamahal at sumusuporta kay Erap. Kay Gloria ba sino? Si Prospero Pichay?
Ang isa pang aral na mapupulot natin sa nangyari kay Gloria? Karma’s a bitch. Or in GMA’s case, she’s karma’s bitch.
Manny Knows
Posted: November 15, 2011 Filed under: Sports, Only in the Philippines | Tags: Pacquiao, Marquez, Mayweather 3 Comments »Kung parehas tayo ng napanuod nung Sunday, malamang akala niyo nanalo si Marquez. Aaminin ko ako mismo akala ko panalo si Marquez. (For the record, tingin ko siya rin dapat ang nanalo nung pangalawang laban nila.) Kaya ang laking ginhawa para sa nakararami, kasama na rin ako, nung sinabing si Manny ang nanalo. Hindi ko alam kung paano nangyari yun sa totoo lang. Sinasabi ng karamihan na niluto daw. Kung natalo si Pacquiao kay Marquez, siguradong hindi na matutuloy ang laban nila ni Floyd Mayweather. Dubbed “the biggest fight in boxing history”, malaki ang mawawala sa kampo ng Top Rank, Golden Boy Promotions, at sa ekonomiya ng Las Vegas kung hindi matutuloy ang laban.
(Sinasabing sa bawat laban daw ni Pacquiao, daang milyong dolyares ang pumapasok sa Las Vegas dahil sa mga turista, fight fans, high-end gamblers at kung ano ano pa. Kasama na diyan ang income na magegenerate sa pag kain ng mga tao sa restaurants, bayad nila sa hotels, mga natalo sa casino, at pag bibigay ng tip at bayad sa mga “kalapating mababa ang lipad”. Ngayon isipin mo na lang kung anong epekto ng laban ni Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas pag nagkataon. Tindi diba?)
Sinasabi naman ng iba na based sa CompuBox, (isang automated program na nagbibilang ng mga binato at tumamang suntok) sa bilang na 176 laban sa 138, mas marami talagang suntok si Pacquiao kesa kay Marquez kaya tama lang na siya ang nanalo. Liban sa dalawang argumentong yan, marami pang mga paliwanag ang nagkalat sa internet kung bakit ganun o hindi dapat ganun ang naging resulta. Sa totoo lang, mahirap talagang sabihin kung sinong dapat na nanalo. Pero kahit sino sa dalawa ang tingin mong nanalo, sigurado akong walang nakahula na sa ganun magtatapos ang laban. 7-1 favorite si Pacquiao laban kay Marquez sa laban na yun. Ibig sabihin kung tataya ka ng $100 kay Marquez, mananalo ka ng $700. Kung tumaya ka naman ng $700 kay Pacquiao, $100 lang ang panalo mo. (Hindi ako nag susugal so hindi ko alam kung tama yan pero yan ang intindi ko)
Hindi ako boxing analyst, so hindi na ko dadagdag pa sa milyon-milyong mga Pilipino na biglang naging boxing analysts. Pero may mga “analysis” ako sa laban na hindi naman talaga tungkol sa boxing.
Eto sila:
1. Kung nakasalalay sayo ang buhay ng sambayanang Pilipino at kailangan mong pumili, sinong pipiliin mo?
A.) Si Mommy Dionisia
B.) Si Madam Auring
C.) “Sorry pero mamatay na lang tayong lahat!”
Pero bago ka sumagot, tandaan mo na nakasalalay sa desisyon mo ang buhay ng milyon-milyong mga inosenteng Pilipino. Ngayon ka pa ba magiging makasarili? Nasa sayo naman yan kung kaya ng konsensya mo.
2. Nalulungkot ako para kay Juan Manuel Marquez dahil natalo nanaman siya. Pero masaya ako para sa kanya kase this time, hindi na siya umiinom ng sariling ihi bago yung laban niya. Isipin mo na lang kung anong mararamdaman niya, nag ensayo ka ng ilang buwan, uminom ka nanaman ng ihi tapos natalo ka nanaman? Badtrip diba? Baka mag bigti na yang si Marquez pag nagkataon.
Seryoso lang, bakit ba kailangang gawin yan? Kung pampalakas lang hindi ba pwedeng gatas na lang? Bakit hindi ka pa makuntento sa Birch Tree?!
3. Nung natalo si Marquez, hindi na siya nagpa-interview sa loob ng ring dahil sa sama ng loob. Dumiretso na siya sa locker room. Kaso hindi siya basta basta makakatakas sa media! Sinundan siya sa locker room ng media para makakuha ng interview. Unfortunately, nagbibihis na pala siya ng mga oras na yun.
Bilib rin talaga ko sa mga interviewer na to. Hindi niyo man lang muna pinagbihis yung tao e! Tingnan mo naman sombrero lang ang nakatakip o! At talagang naka-dikit pa yung naka-gray! Tuhod sa tuhod talaga e! Pero on the bright side, buti na lang malaking Mexican sombrero ang sinuot ni Marquez nung gabing yun at hindi bonnet lang. Delikado tayong lahat pag nagkataon.
Pero kung ako sa mga reporters na yan hindi ko masyadong iinisin si Marquez. Baka buhusan sila ng ihi niyan!
4. Ayon sa mga reports, guaranteed daw na kikita si Manny Pacquiao ng $22 million para sa laban na yun. Kung kasama ang kikitain sa pay per view, aabutin ng mahigit kumulang na $30 million or P1.3 billion ang kinita ni Pacquiao.Kung 138 times siyang tinamaan ng suntok ni Marquez, ibig sabihin bawat suntok na tumama sa kanya ay worth P9,420,289. (Sapat na para makabili ng 3 Hermes bag para kay Jinkee!) Karamihan sa atin hindi kikita ng ganyan kalaki in our lifetime. Kay Pacquiao isang suntok lang yan. Ang tindi diba? Iniisip mo siguro, “Kung babayaran ako ng ganyan kalaki magpapasuntok na ko kay Marquez!” Sorry to burst your bubble pero kung suntukin ka ni Marquez malamang ikamamatay mo. Pero di bale, engrande naman sigurado ang burol mo diba?
5. Nung laban ni Pacquiao, maya’t maya pinapakita sa TV ang asawa niyang si Jinkee. Naisip ko, “Langya tong si Jinkee, nerbyos na nerbyos na kaming lahat pero siya no reaction lang ah!” Pero narealize ko, ninenerbyos naman talaga si Jinkee. Talagang hindi na lang gumagalaw ang mukha niya. Thanks, Vicky Belo!
6. Pumili ka, for P9,420,289, magpapasuntok ka kay Marquez o one night engagement kasama ang Mommy Dionisia-Madam Auring combo? Suntok na lang siguro noh? Hindi naman dahil choosy ka, may respeto ka lang talaga sa mga nakakatanda.
7. Para sa entrance music niya, ginamit ni Manny ang kantang “Eye of the Tiger” galing sa sikat na pelikulang Rocky. Naisip ko, “Shit ang genius ng pagpili nitong kantang to! Lahat ng tao alam ang kantang ‘Eye of the Tiger’ kahit yung casual na boxing fan e! Galing!” Pero nung naisip ko ng husto, parang hindi pala okay. Kung alam niyo ang kwento ng Rocky, alam niyong nag simula si Rocky sa pagiging “amateur” at walang pangalan na boxer. Unti-unti, sumikat siya at naging champion nung natalo niya si Apollo Creed sa Rocky II. Sa pelikulang Rocky III nung sikat na siya at maraming endorsements at distractions, natalo siya ng aroganteng si Clubber Lang. (played perfectly by a young Mr. T)
Nakakatakot isipin pero eto na ba nangyayari kay Pacquiao? Si Floyd Mayweather ba ang magiging “Clubber Lang” niya kung nagkataon?
Ang daming nagsasabi na distracted na daw si Manny Pacquiao sa maraming bagay. Andyan ang pulitika, mga pelikula, at mga concerts. Pati yung pananabong at pag bibilyar ni Manny napapansin. Nag rereklamo tayo sa media coverage kay Manny Pacquiao paminsan pero sa totoo lang, interesado naman talaga tayo sa kanya. Sa HBO special na 24/7 pinakita na bumili si Manny ng Ferrari worth P12 million. May mga nagsabi agad na mga tao na, “Ang hirap hirap ng Sarangani pero bili kayo ng bili ng bag, sasakyan at kung ano anong bagay!” Totoo naman. Isa ako sa mga taong nag-isip niyan. Pero kung iisipin mo naman, pinaghirapan ni Manny yung pera na yan e. Ilan taon siyang nag-tiis sa hirap. Hindi ba niya puwedeng ma-enjoy yan?
Nung nanalo si Manny sa laban nila ni Marquez, ang daming bumatikos sa kanya sa Twitter at kung saan saan pa. Kasama na diyan ang mga kapwa niya Pinoy. Luto nga daw. Paalis ng MGM Grand, binabato siya ng mga tao ng popcorn at sinisigawan ng “You suck!” Kung tutuusin, liban sa subpar performance niya, ano bang ginawang mali ni Manny? Hindi naman siya yung nag desisyon sa resulta nung laban e. (Honestly, tingin ko hindi subpar performance yung kay Manny per se. Talagang hirap lang siya sa style ni Marquez) Kung natalo si Pacquiao, malamang binatikos rin siya e hindi ba? Damned if you do, damned if you don’t.
What people don’t realize is that for 14 straight times bago tong laban na to, nanalo si Manny in dramatic fashion. Pinatumba niya ang mga kalabang mas malaki sa kanya. Pinaretiro nya ang mga mga magagaling na boksingero tulad nila Ricky Hatton at Oscar de la Hoya. For the longest time, he’s been making us proud to be Filipinos. Melodramatic man pakinggan pero dala-dala niya talaga ang buong bansa sa balikat niya. Anything less than a terrific performance is considered a disappointment. Ang collective mood ng mga tao nung huling laban niya ay lungkot at disappointment. Nanalo pa siya sa lagay na yun. Paano pa kaya kung natalo siya?
Masarap maging Manny Pacquiao pero mahirap maging Manny Pacquiao. Feeling niya artista siya? Feeling niya singer siya? Gusto niya maging pulitiko? Hindi niya napatumba si Marquez? Wag kayong manuod ng pelikula niya kung ayaw niyo. Wag niyo siyang iboto kung ayaw niyo. He can’t always be who we want him to be.
Pero ano nga ba talagang nangyari? Distracted ba talaga si Manny? Talaga bang magaling lang si Marquez? Kaya ba ni Manny si Mayweather pag nagkataon? Hindi natin alam for sure. Pero one thing’s for certain…
Manny knows. You know?
Taong Greasy
Posted: November 10, 2011 Filed under: Uncategorized 2 Comments »
Alam mo anong mas nakakagulat sa search na ito? Na may 16,600 results siya. I have lost all faith in man.
Halos lahat siguro ng tao na may access sa internet ay gumagamit ng Google para hanapin ang mga bagay bagay na interesado silang malaman. Samu’t sari ang laman ng world wide web kaya halos lahat ng maisip nating i-search sa Google, kahit gaano pa ito ka-absurdo, may lumalabas na resulta. Yung ibang hinahanap natin tiyak mahihiya tayo pag nalaman ng iba. (Lalo na ikaw na mahilig mag porno! Oo, ikaw nga!)
Hindi siguro alam ng karamihan pero dito sa WordPress, meron silang function na sabihin sayo kung ano ang mga sinearch ng mga tao sa Google, Yahoo, Bing, o kung ano mang search engine para mapunta sa blog mo.
Nilista ko ang 30 na pinaka-absurdong search terms na ginamit ng mga tao at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napunta sila dito sa blog ko. Hindi ko inimbento ang mga to. Talagang eto ang mga ginamit nila. (Unfortunately.)
In no particular order:
1. “Kahulugan ng panaginip na umiihi”
Hindi siguro magandang senyales na ang demographic ng mga nagbabasa ng blog ko ay mga nag wewet dreams.
2. “Hubad na lalaki larawan”
So liban sa mga nag wewet dreams, mga mahilig rin sa porno ang napupunta sa blog ko.
3. “Reypin girls video”
Hindi lang mahilig mag porno, sex predator pa.
4. “Kili-kili ni Solenn Heussaff”
Oo, maganda si Solenn Heussaff pero hindi ko alam kung anong meron sa kili-kili niya para i-search mo. Amoy Channel No. 5 ba ang pawis niyan?
5. “Larawan ng mga lalaking pinakagwapo sa buong mundo na naka-brief”
Picture ko daw ang lalabas dito. Pasensyahan na lang sa mga nag hahapunan.
6. “Bakit naka medyas si Ramona Revilla?”
Bakit, bawal ba? Ikaw lang may karapatan mag medyas?
7. “Malibog+kung+kuya”
Sana talaga hindi isa sa mga kapatid ko ang nag search nito.
8. “Pre ang nipis ng brief mo”
Feeling ko conversation to dapat sa YM pero na-wrong window kaya na-type niya sa Google.
9. Itlog ng lalake
Sa lahat ng bagay sa mundo na ginawa ng diyos, bakit mo gustong makakita ng itlog ng lalake? Kulubot-kulubot at mabuhok. Kanais-nais ba yun?
10-11. Raypinmoako, rapeinmoko
Mag-iingat ako siguro pag nag search ako ng ganyan. Mahirap na baka mag mukhang imbitasyon dun sa nag search nung #3 e.
12. “львы и антилопы фото”
Na-badtrip siguro yung Russian na nag type nito sa Google tapos napunta sa blog ko at mukha ni Gary Lising ang bumati sa kanya.
13. “Ano ba itsura ng reaction paper?”
Parang kinakausap lang si Google noh? Malamang bumagsak to sa reaction paper niya.
14. “Imahe ng machong lalake”
Picture ko daw ulit ang lalabas.
15. “Picture ni Galileo Galilei na madaling i-drawing”
May mga tao talagang maski Google hindi marunong gumamit.
16. “Amoy ni Jinky Pacquiao”
May curious talaga? Kung may pambili ng Hermes yan hindi naman siguro mag aamoy paksiw yang si Jinky noh.
17. “Mga dapat gawin sa bagong panganak na Shih Tzu”
Gawing pulutan?
18. “Mga pangit na kamukha ni EJ”
Kawawa naman ang pangit na si EJ.
19. “Titigan mong mabuti me lalabas katakot”
Si Budoy ata ang nag search nito e.
20. “Larawan ng ari ng lalaki”
Bilang benefit of the doubt, iisipin ko na lang na for research purposes lang to.
21. “Usapang jakol”
Usapang jakol? Ano to, parang Vagina Monologues?
22. “Puti ng kili-kili ni Jinky Pacquiao”
Bakit ang daming interesado sa mga kili-kili? At kay Jinky Pacquiao pa. Bakit ka magiging interesado sa kili-kili ni Jinky Pacquiao?!
23. “Ano tungkol ang pelikulang Happy Feet?”
Hindi pa kase niya napapanauod e. Baka daw kase tungkol sa mga paa at alipunga.
24. “Mga larawan ng malilibog na babae”
Tinry kong i-search to sa Google dahil nacurious rin ako. Ang mga lumabas ay sila Shalani Soledad, Vicky Belo, Jennilyn Mercado, at si Julius Babao. Oo, si Julius Babao talaga.
25. “Paano maging kamukha si Anne Curtis?”
Sorry, hija pero hindi ka ata kayang pagandahin ng internet.
26. “Pwet nang lalake”
Hindi ba pwedeng tumuwad ka nalang habang naka-harap sa salamin?
27. “Paano naging matalino ang mga unggoy sa Planet of the Apes?”
Kuripot nito ayaw pang panuorin sa sine!
28. “Ryan Eigenmann, kalbo na”
Matagal nang kalbo si Ryan Eigenmann diba? Nahuli siguro sa balita tong taong to.
29. Lalaking bayaran
At talagang hinahanap mo to sa internet? Tawagan mo yung mga karatulang may nakalagay na “Tubero Mark” mga lalaking bayaran daw yan. Sila daw ang bahala sa mga “tulo” mo.
30. Taong greasy
My personal favorite. Conyo version ba ng taong grasa ang taong greasy? Feeling ko si Kris Aquino ang nag search nito.
May panukala daw ang United Nations na gawing basic human right ang internet access. Sabagay, may karapatan nga naman tayong malaman kung ano ang amoy ng kili-kili ni Jinky Pacquiao diba? Hindi pwedeng si Manny Pacquiao lang ang nakakaalam! Hindi ba pwedeng tanungin to Dyan Castillejo sa mga interviews?! Kailangan nating malaman!
The Ramons
Posted: November 4, 2011 Filed under: Only in the Philippines 8 Comments »Nagkagulo ang Twitter ng mabalitang umalis papuntang Hong Kong si Ramona Bautista, ang pinaghihinalaang isa sa mga may pakana sa pag patay sa kapatid niyang si Ram Revilla. Kaninang umaga lang, nagbigay ng interview si Ramona Bautista sa ANC. Ayon sa kanya, kaya siya gumawa ng kwento tungkol sa pag kidnap sa kanya di umano ng mga suspek ay dahil nahihiya siyang amining iniwan niyang malubhang sugatan si Ram at ang girlfriend nitong si Janelle dahil natakot siya para sa sariling kaligtasan.
(Wala rin naman sigurong naniwala sa alibi na yun diba? Kung ako yung papatay bakit pa ko mag-aabalang isama si Ramona? Magpapalibre ako sa drive-thru? Parang mas madali atang paputukan na lang siya ng baril)
Sa pagbibigay ng marupok na mga dahilan at sa nabalitang pag-alis niya papuntang Hong Kong, hindi mapigilang mag hinala ng lahat na malamang na may sala nga itong si Ramona Bautista. Ultimo si Sen. Bong Revilla nagdududa na sa pagiging inosente ni Ramona na nung una’y pinagtatanggol pa niya.
Pero hindi ko gagawin yun. Kahit mukhang guilty, wala ako sa lugar para husgahan si Ramona. (Malay mo naman nag punta lang siya ng Hong Kong para mag bakasyon diba? Long weekend e! Wala ba siyang karapatan mag relax? Nakakastress kayang pumatay!)
Pero may mga natutunan ako sa mga pangyayaring to. Hayaan niyong isa-isahin ko para sa inyo:
1. Sabi sa balita, 72 daw ang anak ni Ramon Revilla Sr. sa iba ibang babae. Sa edad na 22, si Ram Revilla ang panganay sa 9 na magkakapatid. Ang edad ngayon ni Ramon Revilla Sr. ay 84 years old. Ibig sabihin hanggang 22 years ago sa edad na 62, umaariba pa siya! Kung sabihin mong taon taon na lang nanganak yung nanay ni Ram Revilla, ibig sabihin hanggang 71 years of age e naghahasik pa ng lagim tong si Ramon Revilla Sr.! Ako lang ba ang nabibilib? Ang tindi diba?!
2. Ramon Revilla Jr., Ram Revilla, Ramona Bautista, Ramon Joseph Bautista. Wala ka bang napansin? Halos nirerecycle lang yung mga pangalan e! Sabagay hindi ko naman masisi si Ramon Revilla Sr.. Kung ikaw nga naman 72 ang anak mo, mauubusan ka rin ng mga pangalang pwedeng ibigay e! Magiging creative ka pa ba niyan? Kung ako siguro 72 ang anak ko, numero na lang ibibigay kong pangalan sa mga anak ko e! Magkakaron siguro ako ng anak na “Reynaldo de la Cruz II” hanggang “Reynaldo de la Cruz XXXII” Magkakaron rin diyan ng “Reynalda” at “Reynalda Jr.” malamang. Pasensyahan na lang sa mabantot nilang pangalan.
(Ang NBA legend na si Gary Payton, isa pang hindi creative magbigay ng pangalan sa anak. Dadalawa na nga lang ang anak ang pinangalan pa niya “Gary Payton Jr.” tsaka “Gary Payton II”. Seryoso lang, dadalawa na lang anak mo tinamad ka pang mag-isip ng pangalan? Ewan ko lang ah, pero kailangan may matinding nickname yang mga yan kung hindi matinding lituhan yan)
3. Sabi sa balita, kaya daw nagkaron ng patayan sa magkakapatid ay dahil nagkaron ng inggitan sa allowance. P1 million daw ang allowance ng magkakapatid sa isang buwan at hinahati-hati sa 9. Si Ram daw ang humahawak ng pera bilang siya ang panganay. Nung bata ako nagrereklamo ako sa bente pesos kong baon. Ngayon narealize ko okay na rin yun. Buti na lang pala maliit lang ang baon ko. Hindi maiisip ng mga kapatid kong patayin ako. Sabi na nga ba best interest ko lang talaga ang iniisip ng mga magulang ko e.
4. Kung sakaling naging Ramon o Ramona ang pangalan mo at sabihin mo kay Ramon Revilla Sr. na, “Itay, si Ramon po ito, ang nawawala niyong anak.” maniniwala kaya siya? Sa dami ng babaeng kinama ni Ramon Sr., tingin ko puwedeng makalusot e! E di hindi ka na sana nag-tiis sa bente pesos na allowance diba? Kaso baka mapatay ka nga lang ni Ramona pag nainis siya sayo. High risk high rewards e noh?
5. Tingin ko nung nanliligaw si Ramon Sr. sa maraming babae niya, kinakantahan niya lang ng “Would You Be My Number 2?” Pinapalitan niya lang yung numero. Ang sakit siguro pag kinantahan ka na ng “Would You Be My Number 8?”
6. Tingin mo ba kilala ni Ramon Sr. lahat ng anak niya? Posibleng hindi e. Tingin ko sa 72 na yan, wala pang kalahati diyan yung alam niya ang pangalan. Yung iba nakalimutan na niya. Pag “anak” lang ang tawag sayo ni Ramon Sr. at hindi kayo first name basis, nako delikado ka na.
7. Kung ako si Ramon Sr. at nakalimutan ko ang pangalan ng anak ko, tatawagin ko na lang siyang “Ramon” o “Ram”. May 36% chance na tama yung hula e.
8. Pag nag fafamily reunion kaya sila nag susuot sila ng name plate? O kaya yung malaking ID na gawa sa cardboard na usually sinusuot ng mga estudyante pag first day of school. Parang kailangan e diba? Isipin mo na lang kung “Ramon” yung pangalan mo tapos nakalimutan pa ng tatay mo yung pangalan mo. Sakit siguro nun noh?
9. Sa 72 na anak, sigurado may favoritism yan. Kung sa pamilyang 2 nga lang ang anak may paborito e, sa 72 pa kaya? Ngayon isipin mo kung ikaw yung least favorite na anak. Ibig sabihin may 71 na taong mas mahal ng tatay mo kesa sayo. Pucha badtrip diba? Ang tindi siguro ng issues mo sa buhay.
10. Dapat maging poster child ng RH bill si Ramon Revilla Sr. Walang kahit anong konsepto ng contraception e! At a certain point hindi ba sasabihin mo na sa sarili mo, “Pucha, dami ko nang anak ah! Nakaka-46 na ko kailangan ko na sigurong mag condom!”?
11. Pag ako nagkaanak, hindi ko sila bibigyan ng allowance. Araw araw silang magbabaon ng sandwich at Zesto para walang inggitan. Pati yung klase ng sandwich at flavor ng Zesto, pare-parehas lang para walang inggitan. Hanggang college yun lang ang baon nila. Magiging kulay orange yung ihi nila kakainom ng Zesto at pati pawis nila mangangamoy tuna dahil laging tuna sandwich ang baon nila. Pag tinanong nila kung bakit ko ginagawa yun sasabihin ko,
“Anak, hindi niyo pa naiintindihan sa ngayon pero ginagawa ko lang to dahil mahal ko kayo.”
(500)
Posted: September 26, 2011 Filed under: Movies | Tags: 500 Days of Summer 6 Comments »Kakanuod ko lang ng 500 Days of Summer sa Star Movies ngayon ngayon lang. Naniniwala pa rin ako na ito dapat ang sinabi ni Tom sa eksena na to. Imposibleng ako lang ang nakaisip nito! Imposible! Naiintindihan mo? Imposible!
The Heartbreak Kids
Posted: September 25, 2011 Filed under: Sports | Tags: Asi Taulava, Basketball, Olsen Racela, Smart Gilas 10 Comments »Kung napanuod mo yung laban kanina o narinig mo ang balita, natalo ng South Korea sa score na 68-70 ang Smart Gilas sa bronze medal match ng FIBA Asia Tournament. Mula 1st hanggang 4th quarter, lamang ang Pilipinas at halos sigurado na ang panalo. Pero unti-unting nakahabol ang South Korea dahil sa 3 points at dahil nagmimintis ang free throws ng national team sa dulo. Nakakalungkot para sa nakararami. Pero para sa mangilan-ngilan na nakakaalala pa ng 2002 Basketball Semifinals ng Asian Games sa Busan tulad ko, masyadong masakit ang mga pangyayari dahil minumulto tayo ng mga kabiguan ng nakalipas.
Sa mga hindi pamilyar at may tiyagang panuorin ang malabong video at para naman sa mga nakapanuod na at handang balikan ang mahapding nakaraan, eto siya:
(Pasensya na sa quality ng video, but this is the best the internet has to offer)
Kung tamad ka at hindi mo pinanuod, bibigyan kita ng blow by blow account:
With 3:17 remaining, lamang ang Korea over the Philippines with a score of 63-60.
Hindi ko sure kung pinakita sa video or counted yung tira ni Kenneth Duremdes pero nakascore ang Pilipinas to make the score 63-62, Korea.
Hindi na pinakita ng video yung possession ng Korea and the next thing we see, possession ng Pilipinas and Asi Taulava is fouled. Sabi ng announcer na si Andy Jao, “At this point Sev, pati ako ninenerbyos. ” With the chance to take the lead, he misses both free throws. “Kulang sa tuhod” yung tira sabi ni Andy Jao. Pagod? Kabado? Hindi natin alam. (Pero it’s worth noting na this was Asi Taulava during the peak of his powers. Ngayon pag pinanuod mo si Asi Taulava halos ayaw na tumira e)
Korea grabs possession of the rebound, runs down the court, hits the 3. 66-62, Korea.
Possession ng Pilipinas, Olsen Racela on the top of the key, cut si Dondon Hontiveros sa baseline going towards the corner. Racela whips the ball to Hontiveros, Hontiveros wide open jumper. “BAWI!” sabi ni Andy Jao. 66-65, Korea.
Possession ng Korea, a player obviously travels but the ref doesn’t call it. Korea gets bailed out with a foul call. Inbounds pass, Korea slashes inside but it’s no good. Philippines grabs the rebound and sets up the play. Dumps it on the low post to Asi. Asi spins, gets double-teamed, kicks it out to an open Olsen Racela on the top of the key. Olsen drains the 3 pointer! Korea calls a time out. With 51.2 seconds remaining, Philippines now up 68-66.
(At this point, sumisigaw na ko sa harapan ng TV at nangangako sa mga diyos ng basketball na ang ipapangalan ko sa anak ko ay Olsen Racela kahit maging babae pa siya. Wala akong paki. Bayani si Olsen Racela para sakin sa mga oras na yun)
Play resumes, Korea with the ball. They bring it down the court and try for a 3. Mintis! They grab the rebound and resets the play. May sumubok ng jumper sa may elbow, mintis ulit! Guess who grabs the rebound? The smallest guy on the court! Olsen Freakin’ Racela. He runs down the court and gets hammered. Camera shows him lying down on the court but with that defiant look that says, “Putangina niyo, nakita niyo ba yun?! Ang galing ko diba?!”
(Nung pinapanuod ko to inisip ko, wala na. Ilagay na tong si Olsen Racela sa likod ng pera natin. Kahit palitan na si Jose Rizal sa isang piso, papayag na ko. Ibang klase)
It was without a doubt the greatest moment of Olsen Racela’s career. But it would be short-lived. Apparently, the basketball gods had something else in store for him. He goes to the line to shoot his free throws. First one is too strong. Second one, in and out! 70-66 sana kung napasok niya yung dalawang free throws. During that time, Olsen Racela was a 94% free throw shooter in the PBA. Kung hindi ba naman malas yan, ewan ko na lang.
(Kung tinatamad kang panuorin yung buong video, at least panuorin mo yung 6:35-6:55, where they show the Filipino players on the bench, all full grown men, arms-linked, shaking and praying. For some reason tumatak sakin yang image na yan)
Korea grabs the rebound, with 23 seconds to go Korea comes down the court for a final attempt at a basket. They need a 3 to win and a 2 to tie. Philippines playing defense as if their lives depended on it and Korea can’t get a shot off. With a desperation attempt, Korea drives towards the basket but loses the ball! A Filipino and a Korean player scrambles for the ball, the Korean player gets to it first, throws it away to the open man on the top of the key. He sets up for a shot, and two Filipino players run towards him to try and block the shot. He pump fakes, the defenders jump, and with a clear shot he swishes the 3 to win the game 69-68.
Olsen Racela, the hero from a few seconds ago, slumps to the floor in tears.
Andy Jao sums it up best when he said, “Ang sakit, Sev. Ang sakit.”
Naalala ko nasa harapan ako ng TV nun, nakanganga, in a state of shock. Hindi ko na napigilan, hindi ko na napansin, may mga luha na na pumapatak sa pisngi ko.
South Korea beats China in the finals to win the gold medal. A deflated Philippine team lost to Kazakhstan, a team that it has already beaten earlier in the tournament, in the battle for 3rd place. Sinasabi ng iba na since eventual champion ang South Korea at muntik na natin silang matalo, pwede sana tayong nanalo ng gold nun. Pero may Yao Ming ang China nun at hindi ko nakikitang mababantayan ni Asi Taulava si Yao Ming so duda ako. Pero still, natalo nga ng South Korea e. You never know.
Masakit balikan at pag usapan. Pero parang babaeng brineakan ka, I always talk about this to anyone who will listen. I have been a Lakers fan and a Kobe Bryant fan all my life. But this, by far, goes down as the most painful moment of my life as a sports fan. Walang makakapantay. Hinding hindi ko makakalimutan yang game na yan. Yung mga break-ups ko sa mga naging girlfriend ko naka move-on na ko pero dito hindi pa rin. Ganun katindi. Pag napag-uusapan namin yan ng mga kaibigan ko, masakit pa rin. Parang kahapon lang nangyari. Akala ko nga nakalimutan ko na.
Pero dahil sa game kanina laban sa South Korea, nabuksan ulit ang mga sugat.
Magaling ang Pilipinas sa basketball. Wag kayong maniniwala sa sinasabi ng iba na masyado tayong maliit, na hindi para sa atin ang basketball. Hindi totoo yun. Kahit natalo ang Smart Gilas, hindi biro ang pinakita nilang galing sa FIBA Asia Tournament. Hindi birong talunin ang mga teams na tinalo nila. Bago sila natalo ng Jordan (na tinalo na natin) at South Korea (na muntik na nating matalo), China lang ang tumalo sa kanila. Nung dumating dito sila Kobe Bryant, Kevin Durant, Derrick Rose, Chris Paul, at iba pang NBA all-stars para sa exhibition game, muntikan pang manalo ang Smart Gilas sa game na yun. Oo, hindi sineryoso ng kalaban yung game. Oo, hindi na naglaro sila Kobe Bryant nung dying seconds. Pero going up against the greatest players in the world and actually being competitive? That has to count for something. As the video clip above suggests, hindi lang tayo ngayon naging competitive. Maski dati naman competitive tayo. Wala lang continuity yung basketball program. (With MVP at the helm, hopefully meron na) More importantly, minamalas tayo. Tulad ng game kanina, minalas tayo ulit. Pero maniwala kayo sakin, may araw rin tayo.
Wag lang natin makakalaban ang South Korea. May anting-anting ata yang mga yan e.
The Infamous Anti-Planking Act of 2011
Posted: September 20, 2011 Filed under: Only in the Philippines | Tags: Anti-Planking Act of 2011, Planking 4 Comments »Kung nakapag-internet ka nitong mga nakalipas na buwan, hinuhulaan kong narinig mo na tong tinatawag nilang “planking” kahit isang beses lang. (Kung ang reaction mo sa sinabi ko ay, “Huh? Planking? Ano yun?” siguro minesweeper at spider solitaire lang ang binubuksan mo pag gumagamit ka ng computer. Mahiya ka naman.) Anyway, sa hindi nakakaalam, ang planking ay isang kalokohang aktibidades kung saan dadapa ang isang tao sa kung saan at magpapakuha ng litrato. Yun lang. In other words, para siyang “plank”. Ganun kasimple. Kadalasan, mas nagiging astig ang planking kung mas awkward ang setting o mas delikado ang setup. (Although debatable ang pagiging “astig” niya kase para sa iba mas lalo lang nag mumukhang tanga yung gumagawa pag mas delikado yung sitwasyon)
Saan nag simula ang planking? Tulad ng maraming misteryo ng mundo, hindi natin alam. Anong punto nito? Mas lalong hindi ko alam. For the most part hindi naman siya pinapansin na talaga. Iniisip lang natin na tulad ng elephant pants at Birkenstock na sinusuotan ng medyas, pagsasawaan rin natin to at marerealize natin na mukha tayong tanga sa ginagawa natin. (Sana balang araw masama rin natin sa listahang ito ang pagsusuot ng Crocs. May awa ang Diyos!)
But apparently, a certain Congressman named Winnie Castelo doesn’t think so. Nag panukala siya ng batas sa Kongreso na kung tawagin ay the Anti-Planking Act of 2011. Sa dami ng problema ng Pilipinas sa kahirapan, sa gera sa Mindanao, sa terorismo, sa edukasyon, sa korupsyon, sa love life ni PNoy, at sa kung ano ano pa, bakit nga naman hindi diba?
Nakakalungkot na maraming mas importanteng isyu sa bansa natin pero eto ang tinutuunan ng pansin ng mga mambabatas. Hindi mo alam kung ginagawa nilang biro tong tungkulin nila o talaga bang iba lang ang priorities nila kesa satin? Wala tayong magagawa, yan ang mga binoto natin e. We get the leaders we deserve.
Aaminin ko, medyo excited rin ako kahit papaano sa susunod na batas na maiisip ni Winnie Castelo e. Hindi ka ba naeexcite? Ipagbabawal niya kaya ang pag-utot sa public spaces? Ipagbabawal niya kaya ang pagbilog ng kulangot? Magiging mandatory ba ang pagsigaw ng “Darna!” pag papara ka sa jeep? Ang daming possibilities! Aabangan namin ang mga panukalang batas mo, Cong. Winnie Castelo!
Pero alam mo sa totoo lang, pagkatapos mag soul-searching, tingin ko naiintindihan ko na rin tong si Winnie Castelo kahit papaano e. Delikado nga naman ang planking. Iniisip lang naman niya ang kapakanan ng mga kabataan e. Para sakin walang masama dun. Walang masama dun, guys.
Buko Juice
Posted: September 7, 2011 Filed under: Random | Tags: Beijing, China, I <3 BJ 3 Comments »Alam naman nating lahat na ang New York ay kilala bilang NYC, ang Los Angeles ay kilala bilang LA, at ang Hong Kong ay kilala bilang HK. Pero alam niyo ba na ang Beijing ay kilala naman bilang BJ? Oo, maniwala ka man sa hindi, may henyong nakaisip na magandang idea na tawaging “BJ” ang Beijing. Mas nakakamangha rin dito, may henyong nakaisip na gumawa ng t-shirt kung saan nakasulat ang “I <3 BJ”.
Ayaw mong maniwala? Pinagdududahan mo ang kredibilidad ko?! Etong sayo!
Hindi ko malalaman tong nugget of wisdom na ito kung hindi dahil sa kaibigan kong nakatira ngayon sa Beijing. Tinanong ko siya kung meron siyang t-shirt na ganito dahil bilang babae siya, matatawa ako ng sobra sobra kung meron siya. Sabi niya wala daw pero inalok niya kong uwian nito bilang pasalubong. Dahil dito, dumating ako sa importanteng punto ng buhay ko at tinanong ko sa sarili ko ang isang mahiwagang tanong na sa palagay ko ay dapat itinatanong ng bawat lalake sa kanilang mga sarili kahit isang beses sa buhay nila.
“Gusto ko ba ng t-shirt na may nakalagay na I <3 BJ?”
On the one hand, libre naman so bakit hindi. Katuwaan lang naman. At malay naman nila kung mahal ko talaga ang Beijing. On the other hand, medyo (medyo lang naman) suggestive siya at malamang hindi ko masusuot to maski sa loob ng sarili kong bahay. Paano ko naman susuotin yan diba? Naiimagine ko na sarili kong kaharap ang mga magulang ng girlfriend ko. Babati ng “Good evening po, tita,” habang nakasuot ng t-shirt na may malaking “I <3 BJ” sa dibdib. O kaya naman ay habang nagmimisa sa simbahan, titingin sa katabi kong manang para mag “peace be with you” at babatiin siya ng malaking “I <3 BJ”. O kaya habang nasa CR ka at umiihi sa urinal at mapapatingin yung katabi mo sa napakalaking “I <3 BJ” sa dibdib mo at mapapakagat labi. O kaya habang nasa children’s party ng pamangkin mo at napapalibutan ng mga bata tapos may lalapit sayo at tatanungin ka, “Kuya, kuya, ano yung BJ?” Tapos sasabihin mo “Ah.. eh.. buko juice! Tama! Buko juice yun!” Tapos sasabihin niya, “Ay gusto ko rin yun kuya! Gusto ko rin ng BJ!” Tapos maya maya lang lahat ng bata sa party sumisigaw na ng “BJ! BJ! GUSTO KO NG BJ!”
Mali e! Maling mali talaga! Maraming rason para hindi magkaron ng t-shirt na “I <3 BJ”. But then again, libreng t-shirt pa rin naman to kaya sayang naman. Sabi nga ng lola ko wag ka daw tatanggi sa grasya.
Wag niyo na lang sana sabihin sa kanyang may t-shirt akong ganyan.





































